CHAPTER 49

81 5 0
                                    


Chapter 49

~Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo
Dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo
Para di na umibig ang puso kong muli~

Ang sakit sakit. Hindi ko alam basta ang sakit.

Bakit naman kase ganito kasakit?

Ganoon ba talaga kapag nagmamahal?

Gano'n ba talaga kasakit malaman na ang mahal mo ay may mahal pala talagang iba. And worse is baka hindi ka pala talaga niya minahal.

~Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli ~

Mahirap umasa lalo na kung walang kayo pero pakiramdam mo may kayo. Hindi mo rin masisisi minsan ang sarili mo na umasa at masaktan. Dahil sa mga pinapapakita at pinaparamdam niya sa 'yo.

O ang masakit talaga siguro ay 'yung may kayo pero parang wala na... bigla na lang naglaho... may nagbago na... bigla na lang nag-iba... mayroon na palang iba.

"Oh, tissue." Pag-abot pa sa akin ni Ate Sierra ng isang rolyo ng tissue.

Mugtong mga mata ko siyang tinignan napayakap sa kanya. "Bakit ganito kasakit ang—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang siyang magsalita.

"Shh... You don't need to say anything. Umiyak ka lang nang umiyak. I can be your crying shoulder all the time... Ayos lang masaktan paminsan-minsan para malaman mo na may pakiramdam ka pa pala. Baka kase mamaya ang manhid mo na dahil sa sakit na kinikimkim mo... kaya iiyak mo lang 'yan." Pagtapik pa nito sa aking likod.

Ano bang sinasabi niya? 'Di ko siya gets.

Kumawala na ako sa kanyang mga bisig. Pinunasan ko ang mga taksil kong luha.

"Anong ibig mong sabihin, ate Sierra? Hindi kita gets."

"Ha? Bakit ka ba umiiyak? 'Di ba broken ka?"

"Ha? Broken? Ako, broken?"

"Iyak ka nang iyak d'yan, eh. Ta's sabi mo ang sakit-sakit kamo. Hindi ba niloko ka ng jowa mo kaya ka umiiyak?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Grabe ka naman, ate, wala ako jowa, haler." Ako, iiyak sa jowa ko? Ako, iiyak sa lalaki? No way... Wala nga akong jowa, eh.

"Eh? Bakit ka umiiyak?" Lito nitong tanong.

Mahina akong natawa at tumingala.

"Ang lungkot kase nu'ng kinanta nila Ban. Ang sakit sakit sa heart kaya ayun napa-crylalu ang lola niyo. Nakigaya sa iyakan ng mga customer." Napasapo naman ito ng noo.

Apakalungkot kase nu'ng kinanta ni Ban sabayan mo pa nang malamig niyang boses at malamig na panahon.

Minsan may mga kanta talaga ang siyang nakakonektado sa iyo. Na parang ang bawat liriko nito ay ang mga nais mong sabihin pero hindi mo kayang bigkasin. Kaya madalas lalo na kapag malungkot ay nadadala tayo. Napapaiyak tayo dahil nakakarelate tayo sa kanta.

Kahit na single ka kapag pang broken ang kanta. Magiging sawi ka na lang din. Dahil nakakalungkot ang istorya sa bawat liriko ng musika. Sa likod ng masasakit na liriko ay may malungkot at masakit na istorya.

Nakakaiyak. Masakit. Ang bigat bigat sa pakiramdam.

"Jusko, akala ko naman kung ano na. Ikaw talaga nako!" Pagsermon pa nito sa akin.

Tapos na ang shift ko kaya nagpaalam na ako kila Ate Jeez. Si Ban naman ay hindi ko mahagilap kung saan nagpunta.

Paniguradong tulog na rin ang mga pugo. Dahil maghahatinggabi na maaaga kase silang kung matulog. At sana naman ay maayos nilang iniligpit ang kanilang pinagkainan.

The Game Of Life Where stories live. Discover now