CHAPTER 53

67 5 3
                                    

Chapter 53

Hindi mabura ang ngiti sa aking labi.

Hindi ko talaga inaasahan ang araw na ito. Tawagin niyo na akong assumera pero para talaga sa akin ay isang itong date!

"Wait me here I'll buy ice cream." Mainggit kayo please ka-date ko crush ko. Joke.

"Okay." Naupo ako sa isang bench.

"Do you want anything else aside from ice cream?"

"Ang sweet naman..." mahina kong sabi.

"Ha? Sweet?" Inosente niyang tanong.

Napalunok ako bigla yatang nanuyot ang lalamunan ko. Seriously, Nerlyn? Umayos ka nga!

"Ah... Ano... ng ice cream. Ang sweet ng ice cream. Oo, hehehe." Mas lalong naningkit ang mata ni Zerix. "Nakita ko kase 'yung bata ang tamis ng ngiti kaya paniguradong matamis at masarap 'yung ice cream." Pagturo ko pa sa bata sa di kalayuan.

Jusko pahamak talaga tong bibig ko kanina pa!

"Okay, I'll be back." tinanaw ko siya mula rito. Nakangiti itong kumaway sa akin.

Jusko! Pinagpawisan ako doon. Akala ko ay hindi ako makakalusot.

Paano kaya pag nalaman niya na gusto ko siya? Iiwasan niya kaya ako? Mawawala ba 'yung closeness namin?

Ano na lang ang mangyayari?

Ganito pala talaga 'yon, noh? Hindi mo alam kung paano ka aamin sa isang tao na gusto mo siya o kung aamin ka pa ba? Para kaseng nakakatakot umamin.

Ang daming lakas ng loob ang iipunin mo para lang umamin sa isang tao na gusto mo siya... Pero at the end hindi mo pa rin masabi.

Natatakot kang umamin. Hindi dahil takot kang sabihin ang nararamdaman mo kundi dahil natatakot ka na baka mawala ang taong pagsasabihan mo sa buhay mo. Natatakot ka na baka biglang may magbago. Natatakot ka na baka bigla na lang siyang mawala sa'yo.

Kaya siguro 'yung iba ay nananatili na lang bilang kaibigan. Hindi na umaamin sa kanilang nararamdaman dahil natatakot na pakawalan ang taong iniingatan nila.

Pero ano pa bang ikakatakot ko? Alam ko naman na hanggang dito lang kami. Na hindi aabot ang mga ini-imagine ko sa isang reality na magugusto niya rin ako.

Besides, wala rin akong balak na umamin. Hindi naman lahat ng nararamdaman puwede mong sabihin. May mga pagkakataon na mas mabuting maging lihim na lamang ang lahat.

Bigla akong nalungkot doon.

Wala kang dapat ikalungkot, Neshang. Hindi ka rin naman magtatagal sa buhay nila. Aalis ka rin.

Sa ngayon ay mag-focus tayo sa kung saan tayo masaya dahil hindi naman natin alam kung kailan pa mauulit ang saya na ito o kung mauulit pa ba...

Tama! Basta sobrang saya ko talaga ngayon, sobra akong nag-enjoy kasama si Zerix. Sa mga pinuntahan namin... sa mga sinakyan namin mga rides. Talagang masasabi kong napakamemorable.

Napakamemorable ng araw na ito.

Habang hinihintay si Zerix ay inilibot ko ang aking tingin sa palagid.

Kumunot ang noo ko nang mapatingin ako sa isang direksyon. Napansin ko sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na pigura.

Ang halimaw? Si Ken na palinga-linga sa paligid.

Anong ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko ay mas gugustuhin niya pang magkulong sa kanyang kwarto para matulog kaysa magpunta sa ganitong kataong lugar.

The Game Of Life حيث تعيش القصص. اكتشف الآن