CHAPTER 28

57 7 0
                                    

Chapter 28

There's no way I can distance myself from him. There's no way I can escape him. I'm tied with him.

I'm tied because of the utang!

Until now, I still can't believe what happened earlier.

Mukhang buong buhay ko ay ilalaan ko sa kaniya. Para mabayaran siya. Kung bakit ba naman ako napasok sa ganitong sitwasyon?

Narito kami ngayon sa cafeteria. Tinitimpla ako ang pinag-uutos na kapae ng halimaw.

Asin kaya ilagay ko dito saka betchin?

"'Te, penge nga po betchin ta's magic sarap."

"Kuha ka na lang d'yan."

An evil laughed escaped on me.

Buti na lang at kaclose ko ang ilang tauhan dito sa cafeteria.

Ano kaya unang higop palang dapat tumalab na ito.

Napasilip ako sa kinauupuan nu'ng halimaw. Matalim itong nakatingin sa akin. Wari mo ba'y nakikita ang ginagawa ko. Napabalik ako sa aking ginagawa, nagflash sa isip ko 'yung sinabi n'ya.

"If you want to kill me or what just do it. I won't stop you, but if I will survive make sure our path will not cross 'coz... I will kill you in the way that no one could imagine."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Natabig ko pa ang lalagyan ng asukal. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lamang ay agad ko itong nasalo.

Maingat kong dinala ang kape sa kaniya.

Buhos ko na lang kaya 'tong kape sa kaniya? Medyo mainit-init pa naman, eh.

Hinawakan niya ang mug na parang dinadama kung gaano kainit ito. Umatras ako nang kaunti papalayo sa kaniya baka sakin niya 'to bubuhos. Maluwag pa naman turnilyo nito.

Bagot niya akong tinignan.

"You're 2 minutes late. I don't want this coffee."

Ay wow naman 2 minutes late ako? Grabe naman pati sa pagtitimpla ng kape 'di pinapalampas. May pa late late pa s'yang nalalaman buhos ko talaga sa kaniya 'yan.

"Okie timpla po ako bago," ngiti ko sa kaniya.

Pasalamat na lang siya at binayaran n'ya si Aling Betty baka mamaya ay pinahuli na talaga ako no'n. Kaso may nakukulong ba sa utang? Saka minor de edad pa lang ako.

"Two coffee, now!" Sigaw niya pa.

Jusko naman nag-daydream pa ako. Napatakbo ako sa kusina ng cafeteria para magtimpla ulit ng kape.

Grabe naman uubusin niya 'yung dalawang kape? Sabagay baka pampagising niya kase lagi siyang tulog.

"Oh, ayan saksak mo sa lungs mo," tinignan niya ako nang masama "Hehehe... biro lang." Masamid ka sana.

"Here," inurong niya papalapit sa akin ang dalawang tasa ng kape na nilapag ko sa kaniya.

I gave him a questionable look. I don't get him.

Patimpla-timpla ng kape ta's hindi niya iinumin. Ano gusto niya gawin ko ako pa magpainom sa kaniya?

"Ano pong gagawin ko d'yan?"

"Inumin mo, stupid."

"Kung iniisip n'yo pong may nilagay ako d'yan nagkakamali po kayo. Malinis po 'yan walang lason."

"I said drink this. Ayaw mo bang sundin ang utos ko?" Pagngisi niya pa.

"Ha? 'yan dalawa na 'yan?" Jusko 'di naman sa ayaw ko sa kape. Hindi lang ako mahilig sa kape. I much prefer a hot chocolate or milk. chos.

The Game Of Life Where stories live. Discover now