CHAPTER 39

73 11 1
                                    

Chapter 39

Matthew's PoV

I can't believe I'm doing this.

Nasa rooftop ako ngayon ito lang ang naiisip ko para makuha ang atensyon ng mga kababaihan na dinadagsa si Ken.

Dapat sa akin lang sila ganiyan. Sa gwapo kong ito dapat ako pinagkakaguluhan nila.

Ang lakas ng hangin dito. Humahampas sa gwapo kong mukha.

"I can't take it anymore!" pagsigaw ko pa sa dulong bahagi ng rooftop.

Sumilip ako sa ibaba, bahagya nang dumadami ang tao sa paligid pero marami pa ring nakapalibot kay Ken.

Dapat dito na ang atensyon nila sa akin. Masyado kayang mabangis 'tong eksena ko.

"I want to end this now!" Sigaw ko pa mukhang nakukuha na ang atenyson nila konti na lang. "I'm going to jump now!" Akmang tatalon na ako nang makita ko pa si Ivan na may dalang megaphone at biglang sumigaw.

"No, baby please don't do that!!" What the hell?! " Let's fix this. It's just a misunderstanding. So, please, go down and let's talk." Sigaw pa nito.

What!? Mapapatalon na lang talaga ako sa kahibangan ng baklang 'to.

Dumadami na ang babaeng narito, naagaw na ang kanilang atensyon. Nakita ko naman si Dwayne na may malokong ngiti na nasa tabi ni Ivan.

"Huminahon ka baby Matthew, magpapakasal pa tayo!" Pag-agaw pa ng isang babae sa megaphone na hawak ni Ivan.

Nakita ko pang nagsabunutan sila. Napailing na lamang ako.

"I can't take it anymore!" Umabante pa ako nang kaunti.

Napalunok na lamang ako nang sunod-sunod at biglang umakyat ang kaba sa aking napakagandang katawan. Ang taas pala talaga ng kinatatayuan ko.

"I'm g-going to jump now!!" Isang maling galaw lang ay patay talaga ako. At paniguradong lagot ako kila lolo dahil sa eksenang ginagawa ko.

"DO A FLIP BRO!!!" Sigaw pa ni Dwayne.

"Darn you!" I mouthed.

Binalingan ko pa ang direksyon nila Ken at muka'ng tapos na ang buwis buhay kong eksena nang nagsipulasan na ang mga kababaihan na nakapalibot don.

Nakita kong nakasalampak sa lapag si Ken gayundin si Nerlyn. Talagang dinamay niya pa si Nerlyn sa kalokohan niya. Ilang sandali pa ay napansin ko pa ang paparating na lalaki. Diretso itong nagtungo kay Nerlyn, binuhat niya ito at naglakad papalayo.

Naiwan si Ken na sinusundan lamang sila ng tingin.

Napangisi ako sa mga tumatakbo sa isip ko.


















Nerlyn's PoV

Ang sakit pa rin ng katawan ko hanggang ngayon. May ilang galos din akong natamo. Kasalanan talaga 'to ng halimaw na 'yon. Nakakainis s'ya!

Ito na ng last day ng free hug week at ang huling araw upang maipasa namin ang aming project. Ngunit wala yata kaming maipapasa dahil sa nangyari kahapon.

Kakabwisit talaga! Ngayon lang ako naistress ng ganito. Sakit talaga s'ya sa ulo.

Pansin ko pa ang mga kaklase ko na parang 'di makapakali wari mo ba'y kinakabahan at may ibang pinagkakaabalahan.

Ano bang meron? 'Di pa rin ba sila tapos sa project nila? Hihihi sana hindi para may karamay ako.

"Nerlyn, bakit 'di kayo nagpapractice?" Patanong pa ni Matthew na ipinagtaka ko.

"Baby, let's go na... We need to practice for the performance later." Performance??

"Ano ba Ivan manahimik ka nga, kita mong may kinakausap pa ako, eh." Singhal pa ni Matthew.

"It's 'Ivanna', Ivanna, baby, Ivanna." Pag-ulit n'ya pa at hinila papalayo si Matthew.

Ano bang performance iyon?

"Okay class are you ready?" pagkuha ni Ma'am sa atensyon namin.

"Wait ma'am five mins more..."

"Ma'am 'wag ka pong excited. Kinakabahan po kami."

Napatawa naman si Ma'am Chi sa naging reaction ng mga kaklase ko. Sandali, ano bang meron?

"Okay, okay, calm down... I'll give you 10 mins more before we start." Napako ang tingin ko kay ma'am.

Omg! Presentation ba ng report? Hala anong gagawin ko? Eh, wala nga kaming nagawa.

"Before that I will collect your final output of your project." Hala! hala paano na?!

Hindi mawala ang kaba ko nang makarating sa pwesto namin si Ma'am Chi.

"Ms. Nerlyn? Your project?"

Paano ba 'to... Anong sasabhin ko? Kase naman 'tong partner ko wala nang ginawang tama ee.

"Ma'am Chi, ano... ano k-kase—" Natatarantang sabi ko.

"What?" Napayuko na lamang ako habang nag-iisip ng gagawin.

"Ano po... k-kase Ma'am wa—"

"Stupid!" pinutol ng salitang iyon ang sasabihin ko.

"Hmm... Nice work..." puri ni Ma'am.

Napaangat ako ng tingin dahil doon, may hawak si ma'am na folder. Patango-tango ito habang chinecheck ang laman nito. Nilingon ko ang katabi ko. Binigyan ko siya nang makahulugang tingin. Ngunit irap lang ang isinukli nito sa akin.

May project kami? Paano?

Napangiti si ma'am Chi bago muling nagsalita."Goodluck for the final task later." Final task?

"Ma'am ano po iyon?" nagtataka kong tanong.

"Your performance. You don't remember? Each group or you and your partner will be performing your talent or anything you prepare. It can be singing, dancing or what you like to show. And of course, it will also have high points that will help both of you to get the target grades or high grade for your project." Pagpapaliwanag pa ni ma'am bago umalis.

Agad na bumalik ang kung ano-anong nararamdaman ko para sa lalaking ito.

Akala ko nakabawi na siya sa ginawa niya kahapon dahil may project kami pero may final task pa pala at wala man lang kaming nagawa para doon.

Wala na yata talagang pag-asa na maipasa ang project na ito. Wala naman kaming ni-practice ng buong isang linggo.

Puwede kaya 'yong awayan na lang? Puro away-bangayan lang naman alam naming, eh.

"Okay Class let's proceed to the auditorium." Pagtawag pa ni Ma'am Chi.

Hindi talaga ako makapakali. Hindi ko rin nakausap nang matino itong partner ko dahil tulog lang s'ya nang tulog. Paano na? ako na lang kaya magperform. Eh, ano naman ang gagawin ko? Maglinis? Maglaba?

The Game Of Life Where stories live. Discover now