CHAPTER 58

56 7 2
                                    

Chapter 58

I was looking at the sky and admiring the stars when suddenly Matthew called me.

Pinulot ko ang huling sanga na nakita ko at patakbong lumapit sa kanya. We were collecting woods or branches of trees for our bonfire.

Nakapalibot kaming lahat sa malaking bonfire sa gitna. May tatlong staff doon at inaasikaso ang paglalagay ng kahoy sa bonfire. Samantala ang ibang teacher naman ay chinecheck ang bawat isa sa amin.

Kung may nawawala o nasaktan ba.

Pumito si Sir Alejandro para kuhanin ang atensyon namin. May hawak itong microphone, ang lakas nito ay sapat na para marinig naming lahat. Sinimulan nito ang huling activity ngayong gabi.

Una ay nagkwento ito nang nakakatawa ngunit patagal nang patagal ay nababalot na ng lagim ang kanyang ibinabahaging istorya.

Napapakapit na lang sa akin si Matthew, samantalang si Dwayne ay kanina pa nagrereklamo dahil sa tadtad na raw siya ng kagat ng lamok. Si Ken at Zerix ay ewan ko kung na saan.

Habang abala sila sa pagsasaya sa susunod na activity. Ako naman ay nagpaalam sa isang guro at tinakasan sila Matthew. Agad akong nagkulong sa aking tent.

Ilan beses ko ring narinig ang pagtawag nila Matthew sa akin. Ngunit wala na akong lakas ngayon. Gusto ko ng magpahinga.

Durog na durog na ako. Gusto ko na lamang magpagulong-gulong dito sa loob kasama ang aking kumot at maging isang lumpia.

Gusto kong takasan ang mundo ngayon. Siguro sa pagtulog ay makakalimot ako panandali.

Napakusot ako ng aking mata nang maalimpungatan ako. Tumunog nang malakas ang aking cellphone.

Kaagad ko itong inabot at sinipat kung anong meron. Napakurap-kurap ako nang sunod-sunod nang makita ang sandamakmak na missed calls at texts.

Nanaginip pa rin ba ako?

Pinagsasampal ko ang sarili ko. Napadaing ako. Masakit. Hindi ito isang panaginip ngunit sino naman kaya iyon?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iiscroll ng may nag pop-up muling message.

Unkown:

Meet me at 2am

Nagsalubong ang kilay ko. Grabe, 2 am? Adik ba 'to? Napasulyap ako sa alarm clock ko 1:45 am na pala.

Unknown:

I will text the location later.

Sino ba ito? Paano niya nakuha ang number ko? Ito rin 'yung number ng panay tawag at text sa akin kanina. Pero puro tuldok lang naman ang laman ng message.

Unknown:

Don't make me wait, stupid!

Okay. Muka'ng kilala ko na. Ano naman kaya ang kailangan niya ng ganitong oras?

Wala sana akong balak pumunta sa lugar na sinend niya. Baka mamaya ay killer pala talaga itong nagtext sa akin. Pero nakakainis talaga siya kung siya man ito.

Agad kong kinuha ang jacket ko. Maingat na lumabas sa aking tent. Napayakap ako sa aking sarili nang humapas ang malamig na hangin sa akin.

Napalinga-linga ako sa paligid. Baka mamaya ay mahuli ako. Bawal nang lumabas ng ganitong oras. Lagot talaga siya sa akin kapag kalokohan lang 'to.

Nakarating ako sa lugar kung saan kami magkikita. Mabuti na lang ay walang nakakita sa akin. Naglibot ang tingin ko para hanapin ang taong inaasahan ko ngunit wala naman siya.

"Nakakainis talaga siya! Sana hindi na lang talaga ako pumunta. Puro kalokohan na sa isip." Inis kong bulong.

Ang dilim-dilim pa naman. Nakakatakot. Pabalik na sana ako nang magyelo ako sa aking kinatatayuan. Habol hininga akong napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat.

"You're late." Malamig nitong bulong.

"Jusmiyo, Ken! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Napairap lamang ito.

"Tss." Napayakap ako sa aking sarili nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"B-bakit? Ano ba 'yon?" Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

Sinasabi ko na nga ba walang saysay ang pagpunta ko dito.

"Ano bang kailangan mo at pinapunta mo pa ako dito ng ganitong oras? Baka mamaya ay mahuli pa tayo. Edi lagot na." Hindi ito sumagot.

Bagot lang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako.

"Kung wala kang sasabihin at wala kang kailangan. Aalis na ak-"

The Game Of Life Where stories live. Discover now