CHAPTER 43

83 9 0
                                    

Chapter 43

Napatigil kami sa panonood ng cartoon sa sala nang may sumigaw mula sa taas.

Mabilis kaming napaakyat para tignan ito. Nakita namin si Zerix na takot na takot na lumabas sa kanyang silid.

Anong nangyari sa kanya?

"What happened?" Pagtatanong ni Matthew.

Namumuo ang pawis sa noo nito habang tinuturo ang nakabukas niyang kwarto.

"I-i-i-ipis." Parang batang takot na takot niyang sabi.

Jusko ipis lang naman pala akala ko kung ano na.

"What the... It's just a cockroach." Hagalpak pang tawa ni Dwayne na sinabayan ni Matthew.

"Osge nga kayo nga ang maghanap sa ipis na 'yon." Nakapamaywang ko hamon... Napatigil sila sa pagtawa at napaiwas ng tingin.

"Alisin mo 'yon, silly-girl." Pagmamakaawa niya pa.

"Jusko naman ang duduwag niyo naman." Kinuha ko ang isang walis sa gilid. "Samahan niyo ko 'wag kayong duwag."

Pumasok na kami sa loob ng kwarto ni Zerix. Ako ang nasa unahan samantalang 'yung tatlong pugo ay nasa likod ko at ginagawa akong panangga.

Nang makita namin ang kabuuan ng kanyang kwarto. Sabay-sabay kaming napangiwi.

"Alis na nga d'yan sa likod ko." Pagtulak ko sa kanila.

"Grabe Dude kailan ka ba huling naglinis?" si Dwayne.

"Paano ka 'di iipisin dito e napakakalat naman pala ng kwarto mo. Baka nga may mga daga pa rito." Napakapit muli sila sa akin. "Alis 'wag nga kayong duwag."

"Hanapin niyo na 'yung ipis at pakilinis kwarto ko." Utos pa ni Zerix.

Sinimulan naming hanapin ang ipis pero mukhang wala na siya. Baka lumipad na.

"Mukhang wala na 'yong ipis." Sabi ko at pinulot ang mga nagkalat na unan sa baba.

"Dude, umamin ka nga ilang taon nang nananalaytay itong boxer mo dito? Parang kasama rin 'to sa pakikipagdigma noong World War II." Nilingon ko si Dwayne para tignan iyon pero mabilis na naagaw ni Zerix ang bagay na iyon.

"What the... Bakit meron ka nito rito? Hindi mo man lang talaga tinago paano pagbigla kang i-rade dito nila lolo edi lagot ka na naman." Si Matthew habang inaayos ang table ni Zerix.

"Damn! Labas na nga kayo, wala kayong naitutulong. Ako na maglilinis." Inis na sabi ni Zerix na ikinatawa nung dalawa. Weird naman nila.

"Hayun!!!" Sigaw ko. "Ayun ang ipis!"

"Saan?" Natataranta nilang sigaw.

"Ayun oh!" Turo ko sa kurtina.

Payapa siyang namamahiga roon kaya wala kami dapat ikatakot. Kailangan lang namin gawin ay marahan itong lapitan at patayin.

"Sorry ipis pero kailangan kitang patayin. R.I.P na lang sana mapatawad mo ako." Akmang papaluin ko ito nang maiba ang plano namin.

Nanlaki ang aking mata at para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Waa!!!!" Taranta kong sigaw.

Lumipad ang ipis!

"Waa! Bahala na kayo d'yan!" Sigaw ko at nakakandakumahog na lumabas habang winawagayway ang kamay para 'di malapitan ng ipis.

"Waaa!!! Sorry na soryy na kase! 'Wag kang lalapit sa akin. Sila ang nag-utos!"

"Traydor ka, silly-girl!!!"

The Game Of Life Onde as histórias ganham vida. Descobre agora