CHAPTER 46

78 6 0
                                    

Chapter 46

"Ano bang ginagawa mo rito?" Feeling ko nadagdagan ang sakit ng ulo ko.

"Syempre mag-aaral, hindi nga lang ako pinayagan na makasama sila Boss." Bakit ba napakaliit ng mundo para sa amin? "At saka I'm your boyfriend, right?" Kindat niya pa sa akin.

Napangiwi ako. Nababaliw na naman siya.

"At kailan pa nangyari 'yon Baneng? Napakafeeling mo."

Malakas itong tumawa. "Akala ko payag ka na, Nerleng," Ngiti niya pa.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Bakit ba ganon pa rin ang tawag niya sa akin?

"'Wag mo sabi akong tawaging Nerleng. Nerlyn. Nerlyn. O kaya Nesh!" Gigil ngunit mahina ko pang saad. Isa pa 'to, nakakainit ng ulo.

"Okay...okay... Baby." Napasapo na lang ako ng noo dahil sa lalaking ito.

Bakit ba dumadami ang sakit sa ulo ko?

"Tsk. Go back to hell, Ban!" Inis pang ani Ken.

Nasa classroom namin ngayon si Ban at halos lahat ng mga mata ng kaklase namin ay tutok sa amin lalo na sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang lalaking ito at kinindatan pa ang mga kababaihan.

"Beh! Ampogi niya!"

"Gosh! Mas lalo siyang gwumapo!"

"Omg! Baby Ban!!"

"Bakit ba bumalik pa ang isang 'yan?"

Nabaling ang atensyon sa mga katagang iyon. Sinubukang kong alamin kung kanino iyon nang galing. Dumapo ang aking tingin sa isang babae – kay Miss Maggy. Hindi maipinta ang mukha nito ngunit nang mapadako ang tingin niya sa akin ay nagbago ito at bumalik sa pagiging maamong mukha nito.

"Alis na!"

"Sus, selos ka lang Bossing, eh." Pagtawa niya pa. "Sige, baby, alis na ako baka mapatay pa ako ng kung sino d'yan." Paalam niya pa sa akin.

"Get lost!"

Ano bang koneksyon nila sa isa't isa? Bakit parang lahat ng tao na dumadating sa buhay ko ay magkakakonektado lang? Weird.

"Hello, Coach!" Napalingon ako kay Zerix na kasalukuyang hawak ang kanyang cellphone. Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha nito... pero kahit ganoon ay guwapo pa rin siya.

"Bro, ikaw na lang sumagot. Mainit ang ulo ni panot." Abot pa niya kay Matthew ng cellphone.

"Hello, Coach, musta?"... "NA SAAN KAYO??!!!!" Bahagya pang inilayo ni Matthew ang cellphone sa kanyang tainga dahil sa sigaw ng coach nila.

Nabaling ang tingin nito sa kanyang mga kaibigan. "Anong gagawin natin mukhang galit si Coach?"

"Sino ba naman kase may sabi na umuwi kayo agad? Eh, next week pa naman ang balik n'yo." Singit ko sa usapan. Hay nako hilig talagang gumawa ng mga gulo.

"Ken, ikaw na lang kumausap. Nakakatakot si coach." Pagpasa pa ng tawag sa kanya.


"Hmm?" ... Bahagya pa namin dinig ang sigaw ng coach nila sa kabilang linya mukhang galit na galit talaga ito. "So?" Napapataas na lang ako ng kilay sa mga tugon ng halimaw. Kahit kailan talaga. "Nah... Tss... I know ... So, now, get lost..." aniya pa at binaba ang tawag.

"Juskong bata ka... Coach niyo 'yon, pero ganoon mo kausapin?" Sermon ko sa kaniya.

"So?" Bagot pa niyang tingin sa akin at muling yumuko sa kanyang desk.

"Is she really close to them?"

"It seems the gossips are true."

"Akala ko ba next week pa ang balik nila!? I'm really... Arrghh nakakainis!"


Lunch na at balak kong pumunta sa library tulad ng dati.

Simula kase ng 'di ko na nakakasama si Wendy ay dito na ako tumatambay o 'di kaya ay sa garden. Tahimik... Payapa... Malayo sa mga mapanghusgang mga mata, sa isang sulok.

Paminsan-minsan pa ay sinasamahan ako ni Ms. Jaira pero wala siya ngayon dahil may inaasikaso siya.

"Where are you going?" Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Ken.

Jusko! Saan naman ito nanggaling bigla-bigla na lang siya sumusulpot at bakit ba siya nandito? Akala ko ay si Satanas na at sinusundo na ako– pero sabagay kampon din 'to ng dilim.

"Lunch... Ano ba umalis ka nga sa daan." Tulak ko pa sa kaniya. He's really annoying!

Mapanuri niya pa akong tinipunan ng tingin parang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Kaya naman nagduling-dulingan ako.

Pinitik niya ako sa noo. Nakakainis talaga siya!

"Tabe sabe!" Pagtaboy ko pa sa kanya pero nahawakan niya ang kamay ko at hinila na lamang ako.

"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?!"

"Lunch." Tipid niyang sagot.

Madalas talaga hindi ko maintindihan ang isang 'to.

"Hi, Nerlyn... Ayan kumain ka nang madami, ha!" Paglagay pa ng pagkain ni Matthew sa aking harapan.

Bakit niya ba ako sinama pa dito? Pinapalala niya lang ang sitwasyon.

Nasa cafeteria kami at kasama ko na naman ang apat na 'to. Sawang-sawa na ko sa pagmumukha nila.

"Here, drink this." Napatingin ako kay Zerix. Iniabot niya sa akin ang isang apple juice. Sinuklian ko siya ng isang ngiti.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon