CHAPTER 57

60 6 3
                                    

Chapter 57

Isa lang ang nasa isip ko matapos ang orientation. Si Wendy. Nakita ko si Wendy, nandito rin siya, kailangan ko siyang makita at makausap.

Sa ilang minutong paghahanap ay nakita ko rin siya. Kasama nito ang ilan naming kaklase dati. Wala akong sinayang na oras at nilapitan ko siya agad nang makitang mag-isa na lang siya.

"Wendy!" Pagyakap ko mula sa likod ng babaeng matagal ko ng gustong makita. "I missed you so much, much, much duper super. Kaloka ka kase bakit hindi kita mahanap, hindi ka nagpapakita sa akin? Ang dami ko pang ikukuwento sa'yo." Mas lalo ko siyang binalot nang mahihigpit na yakap.

Tinanggal nito ang aking kamay sa pagkakayakap at unti-unti akong hinarap. Sinalubong ko siya nang matatamis na ngiti ngunit agad rin itong nabura.

"Puwede ba 'wag na tayong magbulag-bulagan, Nesh." Seryosong sabi nito.

"Ano bang sinasabi mo, Wends? Alam mo gutom lang 'yan. Tara ililibre na lang kita." Hinawakan ko ang kamay nito.

Marahas niya itong tinanggal na nagpaawang sa labi ko.

"Tama na, Nerlyn. Hindi mo ba nakikita? Hindi mo pa rin ba alam kung bakit hindi ako nagpapakita sa iyo?" Unti-unting namumuo ang luha sa gilid ng mata ko kasabay nang matinding sakit at kaba ngunit nanatili akong matatag.

"W-wends, ano ba 'yon? H-hindi kita maintindihan. Alam mo ikain na lang natin ito. Oo, tama kumain na lang tayo ng favorite mong burger. Tara na." Sa isa pang pagkakataon ay hinawakan ko ang kamay nito ngunit agad niya itong tinabig.

"Lumayo ka nga!" Pagtulak niya pa sa akin.

Napaupo ako. Puno nang pagtataka ko siyang tinignan, nagiwas ito ng tingin. Baka naman hindi niya lang sinasadya?

"Tama na, Nerlyn! Ayaw na kitang makita! Iniiwasan kita pero lapit ka pa rin nang lapit sa akin! Ayaw na kitang maging kaibigan!" Nakagat ko ang ibabang labi ko ngunit hindi ko na mapigilan ang pagbasak ng mga luha ko.

Hindi. Hindi naman totoo ang narinig ko, 'di ba?

"H-hindi naman 'yan totoo, Wends, 'di ba? P-pinaprank mo lang ako, 'di ba? Joke-charot-charot lang 'to, n-noh? Loka ka t-talaga ang galing mo... Panalo k-kana kaya tara na kain na tayo." Pinipilit kong 'wag mabasag ang boses ko dahil sa pigil na emosyon sa akin. Ngunit sa mga walang buhay nitong matang nakatuon sa akin ay mas lalo akong nanghina.

"Hindi ito palabas, Nerlyn. Kaya 'wag ka nang magtanga-tangahan pa. Kaya tama na lumayo ka na sa akin!" Sigaw nito.

Ayoko! ayokong maniwala.

"B-bakit? May nagawa ba akong mali? M-may kasalanan ba ako? S-sabihin mo, Wendy... Hihingi ako ng tawad at gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Sabihin mo anong gagawin ko para maayos ko. Para maayos natin 'to. A-ayusin natin 'to. Please." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Tama na, Nerlyn." Matigas nitong sambit. Walang buhay itong tumingin sa akin.

"W-wendy, 'wag mo naman gawin sa akin ito. I-ikaw na lang ang m-meron ako... Ayaw k-kita mawala. 'W-wag mo kong iwan." Pagluhod ko pa sa kanyang harapan sa gitna nang patuloy na pagbagsak ng aking luha.

Gagawin ko ang lahat 'wag lang mawala ang kaibigan ko.

Si Wendy ang lahat para sa akin. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala pa sa akin. Hindi ko kayang mawala ang kaisa-isang taong nanatili sa tabi ko sa mahabang panahon.

"W-wendy... please, 'w-wag mo naman itong gawin sa akin. Huwag mo a-akong i-iwan. K-kailangan k-kita, Wendy. Alam m-mong ikaw na lang ang meron ako. K-kaya p-please a-ayusin natin ito." Pagsusumamo ko.

"Pero hindi kita kailangan, Nerlyn. Ayaw na kitang maging kaibigan. Kaya tumigil ka na d'yan! Tinatapos ko na ang lahat ng mayroon sa atin. Problema lang at gulo ang dala mo sa buhay ko! Kaya puwede ba 'wag mo na akong hahanapin at lalapitan pa! Kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo! Simula sa araw na ito hindi na kita kilala, isang pangkaraniwang tao kana lang para sa akin. Kaya 'wag ka nang magpapakita sa akin!" matigas nitong sambit at tuluyan akong iniwan.

Hindi! Nanaginip lang ako diba? Sabihin niyong panaginip lang ito!

Ang sakit! Sobrang sakit! Parang paulit-ulit akong dinudurog! Paulit-ulit na sinasaksak ng punyal ang aking dibdib.

I just want to be with Wendy again. Pero bakit ganito?!

Napatakbo ako sa kakahuyan. Wala akong pake kung ilan beses man akong madapa at masugatan. Walang-wala ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon!

Gusto ko munang takasan ang lahat. Gusto ko munang lumayo sa kanila.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi rin maawat sa pagbagsak ang mga luha ko. Takbo pa rin ako nang takbo kahit hindi ko alam kung na saan na ba ako o kung maligaw man ako.

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon