CHAPTER 14

54 9 0
                                    

Chapter 14

Wala sa sarili kaming bumalik ni Wendy sa aming silid matapos kong ayusin ang aking sarili. Mabuti na lamang at lagi akong may dalang extrang damit. May ilan din akong nilagay sa locker ko.

Pagpasok namin sa aming classroom ay naabutan na namin na si Ms. Agape. Napatango na lamang siya nang makita kami.

Adviser pa rin namin siya ngayon. Si Ms. Agape lang naman kase ang teacher na nakakatagal sa section namin. At gano'n pa rin ang mga kaklase ko. 'Yung dati pa rin. Nakakasawa na ang pagmumukha nila.

As usual katabi ko si Wendy. Si Bert naman ay nasa likuran ko natutulog.

"I heard what happened, are you okay, Nerlyn?" nag-aalalang tanong pa sa akin ni Ms. Agape.

Kadalasan talaga ng mga nangyayari sa akin ay nakakarating sa kaniya. Well, she is my teacher. Sa nagdaang panahon ay nasa tabi ko na ang aking guro at hindi ako pinababayaan. Napakaswerte kong makatagpo ng isang guro na tulad ni Ms. Agape sa buhay ko.

"Yes ma'am, sanay na po ako kaya sisiw lang 'to." nakangiting kong sagot sa kanya.

"Kung gusto mo pwedeng pwede kong ipahanap ang may gawa nito sa iyo at papatawan ng parusa. I will report this incident in the higher-up." Napailing na lamang ako.

Kapag kase nakakarating kay Ms. Agape ang mga nangyayari sa akin ay gusto niyang parusahan ang mga gumagawa no'n. Ngunit lagi ako kumokontra, minsan nagmamakaawa pa ako sa kaniya para lamang 'wag na niyang i-report ang mga nangyayari sa akin.

Ayokong lumaki pa ang gulo. Takbo lang naman ang ginagawa ko. Minsan lang nila ako mahuli. Magaling kase ako sa pagtakas sa mga problema.

"'Wag na po ma'am okay lang po ako."

"Tigas ng ulo." Napalingon ako sa nagsalita.

Si President Troy. Seryoso itong nakatangin sa akin habang nakapangalumbaba sa kaniyang desk.

"No, I will talk the students involve here. I will report this. Hindi pwedeng ganiyan lagi ang nangyayari sa 'yo. Pinagbibigyan lang kita na 'wag silang parusahan dahil nakikiusap ka. But this time I will not tolerate it anymore. I will talk to them whether you agree or not. You're my student I should protect you from harm. I should not let you get harmed. Do you understand my point?" Napatango na lamang ako.

Ms. Agape will always be Ms. Agape.

Hindi ko na siya mapipigilan.

"And to make sure your safety. This time, Mr. President Troy will protect you from the students who will bully you."

"What?! Ma'am? Bakit ako?" pagtutol pa ni President Troy.

Narinig ko pa ang mga pang-asar na salita sa aking mga kaklase. Mga baliw talaga.

"Ma'am hindi na po kailangan 'yan. Kaya ko po ang sarili ko." Hindi ako pinansin ni Ms. Agape bumaling lang ito kay Troy.

"Mr. President? Do you want thrill in life, right? Then do your duties, do your responsibilities as the president of this section. Make sure your classmates are safe." Ngiti pa ni Ms. Agape.

"Ms. Agape, malalaki na 'yang mga 'yan. Kaya na nila ang mga sarili nila. Kaya na nga nilang bumuo ng pamil—"

"Troy." Mariing putol pa ni Ms. Agape sa sasabihin niya.

Wala nang nagawa pa si Troy kundi ang bumuntong hininga. Hindi naman na kailangan na proktekhan ako ni Troy, kaya ko ang sarili ko.

"Yes, Ma'am. As the President of this section, I will make sure that Nerlyn is safe. I will protect her as long as she needs me. As long as Nerlyn wants me—"

The Game Of Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon