CHAPTER 7

83 10 0
                                    


Chapter 7

I stopped between the gate of our house when the smell of something burning lingered in my nose. The burning scent creeps me out. It's the smell of burning wood with a chemical.

Saan galing iyon? May sunog ba?

Napaglinga-linga ako sa paligid parang malapit lang siya. Binuksan ko ang gate at nagsimula ako maglakad papasok para hanapin ang amoy nang nasusunog. Nakita ko si ate Cindy sa may likod ng aming bahay. Mukhang siya ang sinusunog este ang may sinusunog.

Seryoso ang mukha nito habang pinagmamasdan ang pagliliyab ng apoy, ang usok at init nito ay animo'y galit na galit na yumayakap sa aking kapatid.

Hindi ba siya naiinitan sa sobrang lapit niya?

"Ang aga naman yata umuwi ngayon ni Ate at nagsisiga pa siya. Himala. Isang himala talaga." Bulong ko.

Baka naman naglinis siya ng kanyang kwarto at naisipan na sigaan ang ilan sa mga kalat niya. Nagkibitbalikat na lamang ako bago ko pinihit patalikod ang aking sarili.

Minsan lang 'yan kaya hayaan ko na siya.

Pagpasok sa loob ng bahay ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi at ang galak na aking nararamdaman. Masaya kong nilapag ang aking mga gamit sa aking study table.

Kinuha ko ang medalyang ipinarangal sa akin. Pinagmasadan ko ito sandali saka maingat itong isinabit sa may dingding. Hinanap ko rin ang aking certificate na patunay na ako'y nanalo. Bibili ako ng frame at doon ko iyon ilalagay.

Ito ang una kong contest na sinalihan. Kaya dapat may remembrance man lang ako.

Siguradong matutuwa rin si Kuya kapag nakita niya ito. May cash prize rin palang iniabot kanina para sa mga nagwagi. Ibibigay ko naman 'yon kay nanay para pangdagdag sa mga gastusin sa bahay.

Sana ay matuwa siya...Sana maging proud si nanay sa akin.

"Hala na saan na ba 'yon!?"

Kanina ko pa hinanahap ang notebook kong black. Binaliktad ko na lahat ng gamit ko sa kwarto at tinignan ang mga sulok at ilalim ngunit wala pa rin. Hindi ko ito mahanap. Iipit ko sana ang certificate ko ron. Kaso wala, hindi ko ito makita kahit saan.

"Saan ko ba 'yon nilagay kase!" Pagsabunot ko pa sa aking sarili sa sobrang pagkainis.

Naiinis na talaga ako. Saan ko ba kase 'yun nilapag?! Lagi namang nasa table ko ang notebook na 'yan kasama ng iba ko pang gamit. 'Di pwedeng mawala 'yun.

Nakasulat don 'yung mga tula ko, mga istorya at kung anu-ano pa. Parang nasa notebook na 'yon ang buhay ko kaya kailangan ko iyong mahanap.

Hindi talaga pwedeng mawala 'yon! Utang na loob kung na saan ka man magpakita kana!

Sa kalagitnaan nang masusing paghahanap ko sa nawawala kong gamit ay napahinto ako nang biglang may sumagi sa aking isipan.

"Hindi Neshang, hindi iyon 'yun." Pagkukumbinsi ko sa aking sarili nang maalala ang hawak ni Ate Cindy bago ako tuluyang makapasok sa bahay.

Isang itim na notebook na hinagis niya sa nangangalit na apoy.

Kumaripas ako nang takbo papunta sa silid ni Ate Cindy. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Basta ko na lamang natagpuan ang aking sarili sa harapan ng kwarto ng kapatid ko at wala itong tigil na kinakatok.

"Ate Cindy!!" Pagkalampag ko sa kanyang pinto. "Ate Cindy buksan mo ang pinto!!"

"Ano ba Nerlyn?! Sisirain mo ba 'yang pinto ko?!" Malakas pa nitong sigaw.

The Game Of Life Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα