CHAPTER 31

78 8 0
                                    

Chapter 31

Ngayong gabi ang simula ng trabaho ko sa bar ni Ate Jeez bilang isa sa mga waitress do'n. Kinakabahan ako na nae-excite. Maaga akong pumunta dahil ipapakilala niya raw ako sa mga kasamahan niya.

"Everyone eyes on me." Pagkuha ni Ate Jeez sa atensyon ng lahat. Inakbayan ako nito.

Lumingon ang mga ito sa amin at nagpunta sa aming direksyon.

"Hi everyone, I would like to formally introduce Nerlyn as our new member. Please be good to her and guide her." May pagkaangas ang kaniyang tono nang pagpapakilala.

Ate Jeez was so different from the gorgeous woman I know. She is cool. May pagka maangas ang kaniyang boses. I love how she wear her natural beauty. She's confident enough to stand out with the other. She's simply pero nagsusumigaw talaga ang ganda nito.

"Hi, Miss beautiful!"

"Hello, Nerlyn!"

"Arat inom." Binatukan ni Ate Jeez 'yung lalaking huling nagsalita.

Maliit siya kumpara sa mga kasama niya. May 'itsura rin ito at maganda ang mga ngiti. Mukha s'yang masayahin ngunit maloko, feeling ko lang. Mukha rin siyang sisiw... may pagkakulay maroon kase ang kaniyang buhok na tama lang sa pagkalago.

Ang dalawa niya pang kasama ay isang babae at lalaki.

'Yung babae pakiramdam ko na mabait siya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang nag-assist sa akin papuntang office ni Ate Jeez. Maliit ang pangangatawan ngunit matangkad ito. May kahabaan ang may pagkabrown nitong buhok. Mayroon itong bangs na bumagay naman sa kaniya. Maganda ang bilugang mga mata nito gayundin ang kaniyang mga labi at ilong.

'Yung lalaki naman matangkad din siya. Siya yata ang pinakamatangkad sa tatlo. May kalakihan ang katawan nito. Gwapo! Parang kaedaran ni kuya Nathan. Ganda ng brown n'yang mga mata parang sa mata palang dami na n'yang Chix na napaibig. Ta's ang cute niya ngumiti parang nawawala ang mata. Pansin ko pa ang suot nitong mga hikaw sa kanang tainga nito.

"Ano ba Boss 'di ba sabi mo maging mabait sa kaniya? Nakikipagclose na nga ako," pagkainis nitong sabi pero binatukan lang ulit siya ni Ate Jeez.

Mukha yatang malapit sila sa isat' isa.

"Hi I'm Jake." Baling nito sa akin. Inilahad ang kamay.

"Nerlyn, you can call me Nesh if you want po," sagot ko at nakipagkamay.

"Hello I'm Sierra," ani Ate Sierra. Niyakap ako bigla. Kumawala na ito sa yakap at ngitian ako.

"Gin." Pagpapakilala pa nu'ng gwapong lalaking matangkad.

"Hello po sa inyo sana maging kaibigan ko po kayo hehehe." Pagyuko ko pa.

"Don't worry Nesh we're family here. Your Ate's and Kuya's are here for you." Akbay pa sa akin ni Ate Jeez.

"WELCOME TO THE FAMILY, NERLYN!" sabay-sabay nilang pagbati sa akin.

Hindi mawala ang ngiti sa akin. They warmly welcoming me as part of the family.

"Sa Friday ay pakikilala kita sa banda. For now, you can start your experience here. Don't be nervous, okay. Goodluck." Ginulo pa ni Ate Jeez ang buhok ko.

Nagpaalam ito sa amin. Tumalikod paalis.

Bago lang ang TJ's Bar o 'The Jeez Bar" ang bukas nito ay Wednesday, Friday, Saturday at Sunday. Kapag Friday ay parang may pa banda-banda, mini concert, ganern.

That's why I can't help but be excited.

Sa mga bakanteng araw ay pwede pa ako maghanap ng new work. Para makapag-ipon ako.

The Game Of Life Where stories live. Discover now