CHAPTER 47

96 9 1
                                    



Chapter 47


Ban's PoV


Bullsht! Where should I find her?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Nerlyn. Kanina pa siya umalis pero wala pa rin siya.

Dapat talaga sinamahan ko na siya. Dapat makita ko siya agad. Siya lang ang pag-asa ko para mapakalma 'tong si bossing.

"GET OUT!" Kanina pa siya pinapakalma ni Maggy pero maging siya ay hindi mapakalma si Bossing.

"Ken, calm down, okay." Pagpapakalma niya pa kay Bossing pero waepek.

"I said get the hell out of my face!" Napatayo si Ken sa kanyang inuupuan at naglakad palayo.

"Maggy, please lang, umalis ka na hindi mo ba nakikita? Ayaw niya sa iyo lalo lang siyang naiirita sa pagmumukha mo, eh," sabi ni Dwayne.

Hindi pa rin siya nagbabago.

"Maggy, please..." nilapitan ni Zerix si Maggy at sinamahan itong lumabas.

Lumabas na rin kami para bumalik sa court.

Nagsimula na ang second half ng game pero hindi ito naging maganda. Nag-iinit na rin ang ulo ni coach.

Simula kase ng nawala si Nerlyn ay nag-iba na ang takbo ng lahat. Biglang uminit ang laban. Malakas mang-asar at madumi maglaro ang kabilang koponan. Kanina pa nag-iinit si Bossing kaya naman apektado rin pati ang laro niya. Gayundin sina Zerix ay apektado kaya mas lalong kontrolado ng kalaban ang laro at lumalaki ang kalamangan sa puntos.

Dapat kase sinali ako ni coach ako kaya ang ace player dati.

And I have this feeling that they are worried about Nerlyn. Saan ba kase siya nagsusuot?

Tumayo ako. I need to find her as soon as possible. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Saan bang planeta bumili ng tubig 'yon at ang tagal bumalik?

Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang dalawang kahina-hinalang lalaki sa daan. Ang isa ay may pinapaikot na susi sa kanyang daliri.

Mabilis silang naglakad papalayo ngunit sinundan ko sila nang palihim. Napahinto sila. Maingat akong nagtago sa isang gilid para hindi nila ako makita.

"Mamaya na lang natin balikan ang panget na nerd na 'yon, hindi naman makakatakas 'yon, eh."

"Wala naman palang kahirap-hirap makuha ang babae na 'yon, hahaha. Kala ko ba naman mahihirapan tayo."

"Tatanga-tanga kase. Tara na para mabantayan na natin siya baka mamaya ay sumabit pa tayo at malagot tayo niyan."
Dinig kong usapan nila.

Biglang nag-init ang ulo ko, kumuyom ang kamao sa mga narinig ko kaya naman agad kong hinarangan ang dalawang lalaki.

"Saan niyo siya dinala?"

"Sino ka ba? 'Wag ka ngang humarang sa daan."

"Saan n'yo siya dinala?!" Pag-ulit ko pa.

"Nasisiraan na yata 'to..." Pagtawa pa nila kaya naman 'di ko na napigilan ang sarili kong paulanan sila ng suntok.

Dinala nila ako sa isang abandonadong silid. Malayo sa kumpulan ng mga tao, madilim, bahagya ring magulo at marumi ang lugar. At naroon nga si Nerlyn sa loob nakaupong nakatali ang kamay at paa sa may upuan at may busal ang bibig.

Umakyat na naman ang galit ko dahil sa sitwasyon niya ngayon. Sinipa ko ang dalawang lalaki papalapit doon.

"Kalagan niyo! Bilisan niyo!" Hindi ko naman masyadong binura ang kanilang pagmumukha baka mamaya mahirapan silang ibalik. Manghiram pa sila ng mukha sa kapwa nila unggoy.

Namumuo ang pawis at nanginginig pa ang mga kamay nilang tinanggal ang pagkakagapos sa babaeng hinahanap ko.

"Nesh... Nerlyn... Gising..." Pagtapik ko pa sa pisngi nito. Ilan sandali pa ay nagmulat na ito ng mata.

"B-ban? Inaantok pa ako..." Bulong nito, awtomatiko akong napayakap sa kanya.

"Waaa!!!" Sigaw niya naikinagulat ko. "Hala! Nakatulog ba ako sa daan? Nakakahiya..." Pagtakip niya pa sa kanyang mukha.

Mabuti na lang at wala masyadong nangyari masama sa kanya.

"Tara na."

"Teka asan ba tayo?" Tanong pa nito at iginala ang tingin. Nagulat siya nang makita ang dalawang unggoy na binugbog ko.

"Jusko po! mga kuya okay lang kayo?"

"Hayaan mo sila, sila ang may dahilan kung bakit narito ka." Napasapo na lang ako ng noo nang nilapitan niya ito. Tigas talaga ng ulo.

"Kahit na ba... Kailangan pa rin natin silang dalhin sa clinic baka mamaya ay mapano sila." Pagsuri niya pa sa mga sugat nila.

The Game Of Life Where stories live. Discover now