Chapter One: Him

478 6 3
                                    

Chapter One: Him

"Joice!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang kaibigan ko na tumatakbo papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito, Joice?" Tanong nya.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng building ng CBA (College of Business and Accountany)

"Wala lang. Masama ba? "

"Kanina ka pa namin hinahanap ng pinsan mong si Cyrene!"

Ano naman kailangan ng pinsan ko? Manghihiram na naman siguro iyon ng notes.

"Nasaan sjya? Hindi ata kayo magkasama ngayon."

"Hello Girl?! Vacant kaya ngayon. Syempre, alam mo na nasa may cafeteria yun at kumakain! Bigla ka na lang nawala sa tabi namin ng may ipapasa kami kay Ma'am Susan"

"Kailangan ko kasi nang peace of mind" pabiro kong sagot sa kanya.

Tumawa naman sya sa simple kong joke. Bungisngis talaga ang taong 'to.

"Wow huh! Peace of mind? May problema ba? Love life?"

Pinagtaas-baba pa ako ng kilay ni Niña at hinawakan pa ko sa balikat.

"Hindi no. ano ka ba? Pumunta lang ako ng CR at talagang ihing-ihi na ko" pagmamasungit ko.

"CR? Sa rooftop?"

"Hindi. Ewan. Tara na nga puntahan na natin si Cyrene"

Sinalunbong naman nya ko ng tingin.

"Ayoko na. Kita mong katataas ko lang dito. Nakakatamad kayang umakyat at baba" pagtangi nito.

"Ang tamad mo naman! Magiging katulad ka na ng pinsan mong tababoy! Exercise nga 'yon. Tingnan mo nga sarili mo, nagiging kasing laki mo na sya" pang aasar ko rito.

Nakita ko naman sa expression nya na napaisip sya at mukhang mapapapayag ko sya, kaya lang ay bigla nagring ang phone nya.

Kinuha nya sa pocket nya ang phone at tumingin sa screen kung sino yung tumatawag. Bago nya sagutin yun ay tiningnan nya muna ako at pinagikutan ng mata.

Aba! napikon ata 'to sa sinabi ko.

Umalis naman sa tabi ko si Niña at sinagot ang tawag. Bakit kailangan pa talagang lumayo? Sobrang importante lang ng kakausapin?

Habang may kausap sa phone si Niña ay nakatanaw lang ako sa may baba mula sa may rooftop, pinagmamasdan ang mga estudyante, guro, at stuff sa school. Ang liliit nila, parang mga minions.

Naramdaman ko namang lumakas ang ihip ng hangin, kaya napahawak ako sa may palda ko. Baka may makakita sa aking undies na kulay asul na may pusang printed na design. Meow!

Mahilig ako sa printed na undies kasi ang cucute nila.

Hawak-hawak ko lang ang palda ko habang naghahanap sa baba ng gwapong lalaki. Nakahanap na nga ako ng dalwa kanina bago dumating ang bestfriend ko.

"pssstt.."

Napalingon ako bigla sa likod ko ng may sumitsitsit ata sakin. Napaikot ang tingin ko sa paligid pasandalian at wala akong ibang nakitang tao maliban sa amin ni Niña, kaya ibinaling ko ulit ang tingin ko sa bababa.

"pssst!.."

Isang sitsit na naman ang narinig ko. Napakunot ako ng noo. Pinaglalaruan ata ako ni Niña kaya tiningnan ko sya sa pwesto nya, may kausap pa sya sa phone.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon