Chapter 11: New Start

288 3 0
                                    

Chapter 11: New start

New year, new beginning.

"Hi Joice!" bati sakin nung..

Teka..

"Marvic" he said then wink.

Tsk. Ang playboy.

Hindi ko na lang ito pinansin at naglakad na lang ulit sa may hallway.

"Hey, Miss Joice! Wag mo naman akong iwasan. Di porket hindi kayo in good terms ni JM ay ini-snob mo na ang kagwapuhan kong taglay"

Magkaibigan nga sila ni JM, masyadong bilib sa sarili.

"Please.. Stop following me" iritadong sabi ko.

New year na new year at first day of class this year, ganito ang maabutan ko. God, bakit po ang daming nambibwisit sa araw ko? Sobrang bad ko po ba? magpapakabait na po ako.

"Gusto ko lang naman maging kaibihan ang isang magandang dalagang tulad mo" sabi nito at hinawakan ang kamay ko, tsaka hinalikan.

What the..

"Iww.." sabi ko sa kanya at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

Bwisit na araw naman oh! Arrgggh...

-----

Ralph's POV:

HAAIST.. nakailang buntong hininga na ko, pero hindi pa rin nababawasan ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Mr. Ralph Harley Bernabeo, are you okay?" tanong sakin ng co faculty kong si Ms. Lalaine Tolentino.

"Yeh" Maikli kong sabi.

"Are you sure? Nakikita ko kasing, kanina ka pa nagbubuntong hininga sa kinauupuan mo. May klase ka ba?"

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. 8:30 na? 8 am ang klase ko, late  na agad ako ng 30 minutes. Kabago-bago kong teacher dito, nalate pa ko.

"Uhmm. Ms. Lalaine, may klase pala ko" sabi ko rito at kinuha ang gamit ko.

Bago ako umalis ng BA Faculty ay binigyan ko sya ng isang ngiti.

-

Papunta na ko sa room ng first class ko. Hindi naman ito ang unang beses na magtuturo ako pero kinakabahan ako.

Paano kung magkita kami?

Nagkita na nga pala kami.

Pero, iba na ngayon.

Guro ako at sya ay isang estudyante ko na lamang.

Nasa tapat na ko ng room ng unang klaseng tuturuan ko. Pumalit ako kay Maam Tolentino ng subject nya dahil dalwang subject na raw ang handle nya sa block na to.

Sinimulan ko ng hawakan ang doorknob at unti-unting pinihit ito.

Eeeekkk...

Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay agad kong inikot ang mata ko sa bawat sulok ng kwarto.

Guminhawa ang pakiramdam ko ng makita kong wala sya rito. Ibig sabihin hindi ko sya magiging estudyante.

Pero, pano sa ibang subjects na hawak ko?

Di ko rin alam kung bakit hinayaan ako ng eskwelahang ito na magturo agad. Bakit kasi nag apply aki agad?

Nagpakilala ako sa mga estudyante. Nagpaliwanag na rin ako kung bakit hindi na si Maam Tolentino ang professor nila.

Agad ko rin silang tinanong kong saan na bang lesson, ang iniwan ni Ms. Lalaine at agad na nagturo na.

----

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon