Chapter 10: X-mas for me

290 2 0
                                    

Chapter 10: Christmas for me

Sama-sama kaming nagsimba ngayong gabi ng pamilya ko. Ang bait ni kapatid Donna sakin. Pasko na kasi bukas. Ilang oras na lang, naeexcite ako. Hindi lang dahil sa regalong marereceive ko. Kundi, itong araw na ito ay syang isinilang si Kristo.

"Pupuntahan po ba ulit natin sila?" tanong ko kay dad na syang nagmamaneho ng sasakyan namin.

"Yap." sabi nito na may mga ngiti sa labi.

Lalong nadagdagan ang mga ngiti ko ng malaman ko ito. Three years na namin sila nabibisita.

"Andito na tayo!" Masayang sabi ni dad.

Mabilis kaming bumaba ni Donna at nagpunta sa likod ng sasakyan at kinuha ang mga regalong nakalagay doon.

Andito kami ngayon sa isang bahay-ampunan. Lagi kaming pumupunta rito, pag-magpapasko. Tatlong taon na rin ng simulang itayo ang bahay-ampunan na ito rito.

Sanay na ang mga tagapangalaga ng bahay-ampunan na ito tuwing sumasapit ang ika-24 ng dec. na syang araw ng pagdalaw namin sa mga bata.

Pagpasok na pagpasok namin ni Donna sa loob ng bahay-ampun ay sumalubong samin ang mga nakahilerang mga bata.

"MERRY CHRISTMAS!" bati ng mga bata samin. Nasa gilid naman nila ang mga pari't madre na syang nagaalaga at nagaasikaso sa kanila.

Ang sarap pagmasdan ang mga ngiti ng mga batang ito.

Dapat lang silang bigyan ng masayang pasko na hindi ibinigay ng mga kanilang mga magulang. Mga ulila na ang mga ito. Ang ilan ay iniwan dahil sa kakapusan ng pera, ang ilan ay namatayan na ng magulang at ang iba ay pinabigay dahil sa anak sa pagkadalaga.

Niyakap nila kami ni Donna at ganun din ang aming mga magulang.

Naiiyak ako sa mga batang ito. Hindi dahil sa awa, dahil sa malambing na yakap na binigay nila samin. Itinuturing nila kami na parang pamilya na, kahit na twing pasko lang namin sila nabibisita.

"Marami kaming mga regalong dala sa inyo" sabi ko sa kanila na nakaluhod, upang makapantay ko sila.

"Talaga, ate! Pero, ang nagpasaya samin ay ang pagdalaw nyo rito" Abot tengang ngiting sabi ni Ella. Sya ang pinakabunso rito.

"Nasan na ang kakambal mo?" tanong ni Donna

"Inampon na sya ng isang mayamang dumating dito. Apat na buwan na ang lumipas" Kita mo rito ang kalungkutan sa mukha.

Hinawakan ko naman ito sa balikad.

"Isipin mo na lang na gaganda ang kalagayan dun ng kakambal mo. At pag lumaki ka na ay hanapin mo sya. Alam kong miss na miss ka na nun" sabi ko rito. Ngumiti naman ito.

Pagkatapos ng pag-uusap na yun, ay pinamigay na namin ang mga regalong gusto nilang matanggap.

Ang sayang magbigay ng saya sa mga batang ito. Ito rin ang dahilan, kung kaya'y gustong gusto kong magpasko. Ang pasko ay puno ng pagbibigayan, Pagbibigayan mula sa puso.

Pagkatapos namin magbigay ng regalo ay pumunta naman kami sa kainan nila. May dala rin kasi kaming pagkain para sa kanila. Ang dala namin pagkain ay ang pambansang pagkain ng mga bata. Ang kiddie meal ng Jollibee!

Dalwangpu silang lahat na mga bata. Mga batang dapat lang maranasan ang kapaskuhan.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na kami sa kanila.

Nakita ko naman na nanglungkot ang mga mukha nito.

Binigyan nila kami ulit ng isang yakap.

Mamimiss ko sila.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon