Chapter 8: Party (Part Two)

278 4 0
                                    

Chapter Eight: Party (Part 2)

Anong gagawin ko? Matalim ang mga mata nyang nakatingin sakin. Help me! 

Hindi ako mapakali sa pwesto ko habang kagat kagat ko ang daliri ko.

Tatakbo ba ko?

Aacting na napadaan lang? 

Hihimatayin sa harap nya?

Ano na?

"You! Kanina ka pa ba dyan!?" tanong nito sakin.

Natigil naman ako sa pagkakataranta ko. 

Napahawak ako sa may parteng mukha ko. Dito ko napansin na may suot nga pala akong maskara.

Tiningnan ko sya at tumango ako sa kanya.

"Liar!!" sigaw nito.

Nagulat naman ako sa pagsigaw nito sakin.

Napakamot ako ng ulo at yumuko.

Alam pala nyang kanina pa ko rito, tatanong-tanong pa.

Anong gagawin ko?

"Ano kasi J--"

Nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap.  

Wala akong makita. 

Nakasubsob ako sa isang matigas na parte ng katawan nya.

Ano tong ginagawa nya? 

Bakit sya bigla-biglang yumayakap?

Humigpit ang yakap na iyon, kasabay ng paggalaw ng mga balikat nya. 

Umiiyak ito.

"Ang sakit! Sobrang sakit" puno ng pait ang bawat salitang binigkas nito.

"Hinintay ko sya pero.. wala na pala akong babalikan"

Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman nya sa pamamagitan ng higpit ng mga yakap nya. Unti-unti kong ginalaw ang aking mga kamay upang tugunan ang bawat yakap nya.

Lalo pa syang umiyak.

Kahit ano palang sama at tapang ng isang tao ay may kahinaan din ito. Hindi man natin alam, pero katulad din natin silang normal na tao na nasasaktan.

Matagal ang yakap na ibinigay nya. Buti na lang ay walang tao rito sa loob, kung hindi iba ang iisipin samin ng mga ito.

Sa wakas ay bumitaw na rin sya sa pagkakayakap sakin. 

Tiningnan nya ako, mata sa mata.  

Para bang sinusuri nya ko.

Nakakapangtunaw ang mga titig nito.

Bumulong ito sakin "Come with me"

Hinawakan nya ang kanang kamay ko at tumakbo.

Nadadala ako ng bawat takbo nya, dahil sa pagkahawak ng mga kamay namin.

--

Nakarating kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parte ng bahay nina cha ito. Napakaganda ng lugar na ito. Ang liwanag ng paligid na napapalibutan ng ibat ibang klase ng ilaw. Sa gitna naman ay may nakalatag na kumot na pang picnic. May nakahain din ditong mga pagkain, at sa may gilid ay may isang boquet ng rosas at gitara.

"Para sa kanya dapat ang lahat ng ito"

Napatingin ako sa kanya. Samantalang sya ay nakatingin lang sa kawalan.

"Stupid" Umiling ito at ngumiti ng may lungkot sa labi.

Pumunta ito sa may nakalatag at dito ko ulit napansin na magkahawak pa rin pala kami ng kamay.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon