Chapter 4: Unexpected

353 2 1
                                    

Chapter Four: Unexpected

"Joice, ito na yung allowance mo ng isang buwan, tipirin mo" Sabi ni Mommy Clarita.

Di naman magkandaugaga ang kamay kong abutin ang baon ko. Bibili kasi ako ng bagong skinny jeans.

"Huwag mo kung saan ginagastos yang baon mo"  Sabi pa ni mommy.

"Asa naman po kayo dyan kay ate. Di alam ang salitang tipid nyan" sabi ni Donna na kinuha na rin ang baon nya.

Nilapitan ko naman sya at kinurot ang pisnge nya, na syang kinairita nya. Dumeretso naman ako sa may garahe namin at nakita si Daddy na nakikipagkwentuhan kay Kuya Ray na family driver namin.

"Hey Dad!" bati ko at hinalikan sa pisnge si dad.

"Oh baby, tapus na ba kayo ng kapatid mong mag-ayos? Ako maghahatid sa inyo sa school" sabi nya

"Hmm.. Yap. Nakuha ko na allowance ko ngayong buwan. Dad, pengeng pambili ng Jeans.." Nakangiti kong sabi habang nakalagay ang dalwang kamay ko sa likod.

"Subukan mong bigyan si ate, susumbong kita kay mommy"

Nagulat naman ako kay Donna na bigla na lang sumulpot.

"Heh!" saway ko kay Donna.

"Tara na nga po, dad. Malelate ako sa class" sabi ni Donna at sumakay na ng kotse.

Tiningnan lang namin sya ni dad at inakbayan ako ni daddy at may binulong. "Bibigyan kita mamaya"

Nauna naman pumasok sa kotse si dad at akoy parang ewan na nakangiting aso. Pumasok na naman ako sa loob at nakitang nagaaway ang aking kapatid at tatay

"Daddy!! Im not a kid na" sabi pa ni Donna.

"Eto talagang kapatid mo, Joice. Walang ka-asukalan sa katawan" natatawang sabi ni daddy. Nag rolled eyes naman si Donna.

"Di man lang ngmana sakin" sabi pa ni dad na kinatawa ko.

"Edi buti pa ko, mana sayo dad. Ang sweet ko eh" sabi ko pa.

Nagtawanan naman kami ni daddy at si Donna ay nakasimangot lang.

"Si Ate Kath naman sweet din, di kaya ampon si Donna?" Pagbibiro ko.

"He! Kamukha kaya ako ni mommy" Sabi ni Donna

"Hay naku! ang aking dalwa baby! Mukhang mag-aaway pa ata. HAHA" si dad.

"Dad, malalate po ako ng uwi mamaya" sabi ni Donna

"At bakit? Kumikire ka na ba huh? Donna?" 

"Si dad ka ba? Kailan ka pa naging OA, ate?" Sabi pa nya at nagflip ng hair.

Tse.

"Dad, nasabi ko na naman kay mommy eh" sabi ni Donna

"Hindi. Kung malelate ka hanggang 7 pm lang" sabi ko.

"Yung totoo, ate? nanay ba kita?" sarcastikong sabi nya.

"Bakit ka naman malalate ng uwi?" seryosong sabi ni dad.

"May gagawin lang po kaming group poject sa house nina Marvic" sabi ni Donna

"Marvic? pangalan yun ng lalaki huh? Kita nyo na dad! lumalandi ang anak nyo!" sabi ko kay dad at hinawakan ko pa ang balikat nito.

"O.A much ate!! Landi agad? Group project nga e!" sabi naman ni kapatid

"Edi sa school kayo, gumawa" Sabi ko pa.

"Ayoko naman masyadong gabihin sa school no" SAbi pa ni Donna.

"Okay, papayagan kita Donna. Basta susunduin ka ni Kuya Ray" sabi ni Dad.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon