Chapter 24

191 2 0
                                    

Chapter 24:

Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko at nakita.

Hindi ko na ata alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako.

Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi ni Ralph. Hindi ako makapaniwala na matagal na pala sya ikakasal. Sana sinabi nya na lang agad, kaysa nagloko sya sa relaksyon namin at sirain ang buhay nya ng mga panahong yon. Edi sana, hindi ko dala-dala yung sakit hanggang ngayon.

Pero, bakit ng malaman ko ang mga dahilan nya ay lumuwag ang pakiramdam ko at hindi na galit ang naramdaman ko, kundi inis na lang.

Sabado ng umaga ngayon at nagpapasalamat ako dahil di ko makikita si Joseph. May parteng naiinis ako sa sarili ko at sa taong yon.

Parang pinayagan ko lang na saktan nya ko, yan lang ang sumagi sa isip ko ng makita ko sila kahapon sa parking lot ni Ate Khatelyn.

Di ko matatangging mahal pa nila ang isat-isa sa bawat halik na nakikita ko.

Bakit kaya napapaligiran ako ng mga manlolokong tao?

Alam naman ni Joseph na ako na yung nililigawan nya, di ba?

Ngayon, alam ko na nagusto nya kong maging REBOUND.

Shit! Buti na lang sa umpisa ay di ko pa rin nabibigay ang buong tiwala ko sa kanya.

Napabangon ako sa kama ko. Masyadong marami na ang iniisip ko.

Nang makatayo na ko sa kama ko ay agad namang bukas ng pintuan ng kwarto ko, na syang niluwa sina Cyrene, Niña, Carmina at Cha.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Sabay sabay na kanta ng apat kong kaibigan habang papalapit sila sakin.

Napangiti naman ako sa nakita kong supresa nila sakin.

Dala-dala ni Cyrene ang cake na may kandila, Isang Mocha cake na paborito ko ito. Nasa may kanan na man ni Cy ay nandun si Niña na may hawak ng banner na nakalagay ang pangalan ko at ang salitang 'Happy Birthday' sa may kaliwa nito ay nandun si Carmina na may Hawak ng mga pink balloons. Sa may medyo gilid namin na di kalayuan ay nakita ko si Cha na may hawak na video camera.

"Joice, hipan mo na yung cake mo" sabi ni Cyrene.

"Hindi ba yung kandila?" sarkistong tanong ni Niña

Napatawa naman ako ganun din ang dalwa ko pang kaibigan

"Osige na, sige na  iblow mo na" sabi ni Cha na syang kinukunan ang mga nangyayari

Nang hihipan ko na sana yung kandila ay nagsalita si Carmina.

"Wish ka muna"

Kaya nagwish muna ko bago hipan ang kandila at nagpalakpakan naman sila.

"Happy Birthday Joice!"

-----

Joseph's POV:

"Hijo, hindi ka ba hinahanap sa inyo?" isang tapik sa kaliwa kong balikat ang naramdaman ko.

"Hindi po. Okay lang po ako, Mrs. Verdillo" sagot ko rito.

Simula pa ko kahapon nandirito sa ospital na pinagdalhan ko kay Khate at hindi pa rin ito nagigising simula ngayon.

Sobrang pagod daw ang naging dahilan ng pagkakawala ng malay nito, nalaman ko rin na hindi ito masyadong nagkakain at binubuhos ang oras sa pag-aaral.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon