Chapter 20

218 1 0
                                    

Chapter 20:

Joice's POV:

Ang saya ng gising ko sa umaga kahit puyat ako kagabi, gawa ng letseng lalaking yun. May pakanta kanta pa sya ng Growing Old With You at patambay tambay pa sa harap ng bahay namin. Nakakasuka. Batukan ko sya eh.

Bumangon na ko sa kama ko at ginawa ang morning routine ko.

After kong magayos ng sarili at ihanda ang pagpasok ko sa school ay bumaba na ko at pumunta sa may kainan.

"Good Morning!" Malakas na bati ko sa kanila with open arms.

Napatingin naman sakin si daddy na nagbabasa ng dyario, si mommy na naglalagay ng palaman sa tinapay, ang kapatid kong busy sa pagnguya at ang--

"Anong ginagawa mo rito?" bulyaw ko dun sa lalaking nakaupo sa katabi ni Donna at nakangiting nakatingin sakin.

"Joice!" sigaw sakin ni dad

Oo na po. Ako na po mali.

Napayuko naman ako sa pwesto ko. Lagi na lang akong tiklop pag nasisigawan ako ni daddy. Kasi naman tong lalaking 'to.

Umupo na ko sa may upuan ko at nakita kong nakangiti ng malapat ang lalaking nasa harapan ko.

Bakit ba ang saya-saya nya pag naiinis ako?

Bakit kaya pagnakikita ko ang mukha nito ay kumukulo ang dugo ko kahit wala pa itong ginagawa?

"Dont stare"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.

Tinitingnan ko ba sya?

"Anak, wag mo naman ipahalata kay pards na gusto mo syang makasabay sa breakfast"

Napalingon naman ako kay dad.

Ako? Gustong makasabay sya sa umagahan? Ba't kasi dito pa yang kumakain. Wala bang pagkain sa kanila?

"Huh? Dad. Ako? Tsaka, bakit pards tawag nyo rito" sabi ko kay dad at nakaturo pa sa lalaking kaharap ko.

Gustong makasabay sa breakfast? Sinigawan ko nga sya kanina di ba?

"Ano namang masama don, anak?" sabi nito at humigop ng kape nya.

Bakit kasi ang bilis nyong magkasundo ng kumag na to?

Ginayuma kaya ni Joseph ang tatay ko?

Eh teka, dapat ako yun ah.

Napapailing naman ako sa naiisip ko.

"Weird" sabi nung katapat ko.

Assungot!

---

"Dad, ayokong sumabay sa kanya" pagrereklamo ko kay dad.

Sya ulit maghahatid samin ni Donna sa school. Nagresign yung driver namin. Yan, tuloy lagi akong commute pag umuuwi. Buti na lang at makaschedule kami ni Donna pagpasok.

"Para namang bata, anak. Manliligaw mo sya" sabi nito.

Nakita ko na lang na umalis na ang sasakyan nina dad at naiwan ako sa labas kasama ang kumag na to.

Hinarap ko naman ito at nagsalita

"Oh, tara na! Asan na sasakyan mo?"

Nakita ko namang ngumiti ito at tinuro ng panguso ang tinutukoy ko.

Lumingon naman ako sa tinuturo nito, pero wala man lang akong nakikitang kotse, maliban sa motor na nakapark sa may gilid.

"Iyan?" tanong ko sa kanya at nakaturo pa sa may motor.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon