Chapter 26

187 3 0
                                    

Chapter 26:

Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay nilalamon na ko sa kinatatayuan ko. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko at nakatingin lang sa text ni Joseph. 

Napakunot ako ng noo, hindi kaya, biro lang nya to para makonsensya ko sa ginawa ko sa kanya? Pero bakit sya magbibiro sa gantong napakaseryoso nya kanina?

Ganun ba ko kasama para sirain ang araw nya? Hindi ko naman alam di ba?

Argh. Sige lang, Joice. Pakalmahin mo ang sarili mo para hindi ka makonsensa, pero..

Agad akong pumunta sa contacts ko at tinawagan ang number ni Niña. Gusto kong makasigurado. Tutal nasa showbiz naman sya dati at alam kong patay na patay si Niña kay Joseph at alam nya kung ano mang detalye rito.

Nagsimula na mag-ring ang nasa kabilang linya at sinagot na ito.

"Hel-"

(Hi best! Yayayain mo na ba kami dyan magsleep over? Wait lang huh, I'll make paalam na kay mommy. Yiieh!~)

"Nins! Hindi. Uhh.. Ano"

Sigurado ba ako? Tatanungin ko ba kung birthday din ngayon ni Joseph? Kasi naman, nahihhiya ako eh.

( Ano yun?)

Haist! Bahala na! Itatanong lang naman. Hingang malalim.

"Bir, birth.. Bir"

(Birdy! Bird? Flappy bird? Angry bird?)

"Huh?"

(Hahaha.. Nothing. Ano ba yun?)

Napabuntong hininga naman ako. May sinto ata tong kaibigan kong ito.

"May ta-ta-tanong sana ako"

Ano ba to? Nauutal ako.

(Oh, ano yun?)

"Bir- Birthday ba ngayon ni-"

(Sheez.. Oh-My-God! As in O, M, G, OHMYGOD! Huhuhu.. Birthday ni Fafa JM today. Argh! Nakalimutan ko, As in OMG! Dapat pala nagchechevk ako ng newsfeed. Huhuhu.. Ba't di sakin 'to ni remind ni cy.. huhu..)

Nilayo ko naman yung phone ko sa tenga ko. Napakadaldal talaga nya. Sabi ko na nga ba eh patay na patay sya sa modelong yun. Sinabi ko lang ay ang word na BIRTHDAY. As if naman yung Joseph na yun ang tinutukoy ko. pero sya nga eh.

Nilapit ko na ulit ang phone ko sa tenga ko ng makaramdam na ko na tapos na ang mala over acting na speech nya.

(Gosh, No ba yan. So By the way, ano bang itatanong mo? Birthday nino?)

Hindi pa pala tapos. -_-

"Birthday ba ngayon ni-"

(Gosh, Joice! Wag mong sabihin hindi mo alam na birthday ngayon ni JM? Tas, suitor mo pa sya? Kahit na..)

Blah, blah, blah, Eto na naman sya sa kadaldalan nya. Please.

"Ops, tama na. So totoo nga. Birthday nya ngayon?"

(Aha! Oh di ba? Ang soulmate nyo lang)

Nageexist ba yun?

Napansin kong kanina pa pala  ako nakasandal sa may pintuan ko, kaya pumunta ko sa may kama ko at don na higa. Medyo nangalay na rin kasi ako.

Mga one minute ng bigla akong magsalitang muli

"Niña" tawag ko rito.

(Yes?)

"Wag kang mabibigla pero, binasted ko na sya" sabi ko rito.

Bakit parang may kirot?

(What? Bakit mo sya binasted agad? Ang daming naghahangad kay fafa JM at isa na rin ako dun.)

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon