Chapter 12:

272 3 0
                                    

Chapter 12:

Khatelyn's POV:

Mali ba ang desisyon kong iwanan sya?

Mali ba ako, kung ang ginawa ko ay syang palayain sya?

Ayoko syang masaktan, pero nasaktan ko na sya.

At masakit para sakin ang iwanan sya kahit na ang kapalit nito ay mismong pagkakulong ko sa isang kasunduan.

"Khatelyn?"

Bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ng matalik kong kaibigan na si Kamille.

Tiningnan ko sya at binigyan ng isang ngiiti.

"Nagbabasa ka ba talaga? Kanina ko pa kasi nakikita na kanina ka pa nasa pahinang yan" sabi nito

Tiningnan ko naman ang librong hawak ko.

'Oo nga naman, kanina pa ito nasa pahinang ito, simula ng pumunta kami rito sa library'

"Si Joseph na naman ba?" medyo iritadong sabi nito.

"Ewan ko ba, Kamille. Di ko na alam ang gagawin ko" sabi ko rito at binaba ang librong hawak ko.

Naramdaman ko ang kamay nyang hinawakan ang braso ko.

"Khate, alam mo naman na nakatali ka na sa isang kasunduan pero hinayaan mo pa rin ang sarili mo sa kanya"

Oo nga naman, hinayaan ko ang sarili ko sa kanya. Samantalang alam ko naman sa sarili ko na pagkatapos kong matapos ang degree ko, ay magpapakasal ako sa isang taong hindi ko pa nakikita at hindi ko mahal.

"Hindi naman kasi natuturuan ang puso, dahil kusa itong titibok sa isang tao" sabi ko rito at binigyan ulit sya ng isang ngiti.

"Hay naku! Khatelyn. Nakita mo na ba ang soon to be husband mo?" tanong nito

"Hindi pa" sabi ko rito.

"Sana lang, kasing gwapo sya ni Joseph" sabi nito.

"Kamille!" saway ko rito.

"What?"

Minsan, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit sa dami ng may balak makipagkaibigan sakin ay kay Kamille pa ko napunta. Sabagay, ang ilan lang kasi ay nakikipagkaibigan gawa ng kilala ako bilang modelo at dahil na rin sa yaman ng angkan namin.

Walang nakakaalam tungkol sa arrange marriage namin ng isang lalaking di ko pa nakikita at ni ultimong apelyido ay hindi ko man lang alam. Tanging pamilya namin at si Kamille lang ang nakakaalam tungkol dito.

Kung hindi lang sana palugi dati ang kompanya namin ay hindi ako ipagkakasundo. Hindi dapat tawagin 'Arrange marriage' ang kasunduang binigay nila samin. kundi isang business deal, partnership, o ano pa man. Dahil sila rin naman ang makikinabang, once na maikasal kami.

"Tara Khate, Caf" yaya ni Kamille.

Tumango naman ako at inayos ang libro sa lamesa.

----

Joice's POV:

Nandito kami ng mga kaibigan ko sa may canteen,as usual vacant namin.

Nagsasagot ako ng textbook ko sa unang subject na di ko napasukan, gawa ng makulit na si Marvic. Mamaya na raw ito ipapasa at ito na rin ang magiging attendance. Kapag nga naman sinuswerte di ba? Di na nga ako pumasok kanina, may bonus pa.

Habang nagsasagot ako ay may

dumanggil ng siko ko, kaya napalampas ang sulat ko sa textbook ko. Buti na lang ay lapis ang gamit ko.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon