Chapter 34

139 1 0
                                    

Chapter 34:

Isang linggo na ang lumilipas pero hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung pano ko sasabihin kay Joseph ang tungkol sa pag-alis ko ng bansa. Oo, natatakot ako sabihin sa kanya dahil siguro sa dati nyang naranasan nung una kay Ate Khatelyn. Pano kung masabi ko 'to sa kanya tapos hindi pala nya gustong mag training ako sa Singapore, alam kong wala syang magagawa kung sakali man ituloy ko ito pero pano kung magalit sya sakin o mainis. Hindi ko naman sya masisisi.

Pinatatawag ni Ma'am Santiago lahat ng nakapasa sa practicum sa singapore sa AVR ng school, 15 kami lahat nakapasa; sampo sa 3rd year at lima naman sa 2nd year. Dalwa lang ata kaming nagtake sa block namin at ang iba ay sa iba't ibang block.

Nagsimula ng magsalita si Ma'am Santiago ng makumpleto na kami sa loob ng AVR, sinabi lang naman nya kung anong dapat ang gawin namin, sinabi nya rin na ang school na ang bahala sa lahat ng papeles, sila na rin ang mag-aasikaso at kung mag kano ang babayaran para sa practicum.

Okay naman ang pagpapaliwanag ni Ma'am, pwede rin daw na mag extend ng months kung gusto namin, hanggang three months lang kasi ang on the job training namin sa singapore, pero malalate kami ng enroll.

Sa March 28 na rin pala ang date ng balak na umalis kami dito sa Pilipinas, naeexcite ako na kinakabahan. Sa huli, natatakot ako. Pano ko nga ba sasabihin sa kanya.

Pagkatapos ng meeting na yun ay nagsilabas na kami ng AVR. Dumiretso naman muna ako sa may likod ng library namin, may mga benches din kasi don, doon muna ko tatambay, mamaya pa kasi talaga ang simula ng klase namin. Maaga lang kaming pinatawag ni Ma'am Santiago.

Sa paglalakad ko papunta sa likod ng library ay nakita ko si Ate Khatelyn na papalapit sa daan ko at kasama ang kaibigan nya. Okay na naman kami, pero nahihiya pa rin ako sa kanya.

Nang malapit na kami sa isa't isa ay nginitian nya ko at ganun din ako.

"Hi Joice!" bati nya sakin.

"Hello!" bati ko rin pabalik dito.

Pero ng aalis na ko sa harap nya ay hinawakan nya ko sa braso.

"Kams, una ka na sa cafeteria. May ikwekwento lang ako kay Joice" sabi nito.

Ano naman kaya ang ikwekwento nya sakin?

Tumango naman yung kasama nya at naglakad na paalis.

Tiningnan ako ng nakangiti ni Ate Khatelyn. May magandang balita ba syang sasabihin.

"Tara, upo muna tayo sa bench" sabi nito at naglakad kami papunta sa isang benches don.

Naguguluhan akong naupo katabi sya samantalang sya ay todo ngiti sakin.

"Joice.." sabi nito na abot tenga ang ngiti.

"Oh"

"Nakilala ko na sya, nakilala ko na yung magiging husband ko" sabi nito at inaalog pa ang braso ko.

"Huh?"

Naguluhan naman ako, parang dati lang ayaw nya pagusapan ang kasal nya

"Dito sya nagtuturo" sabi pa nito.

"Huh?"

"Ano ba Joice, wala ka na bang ibang sasabihin kundi huh?"

"Teka.. Kasi.. Dati parang ayaw mong makita yung magiging asawa mo, tapos ngayong ang saya mo at nakita mo sya"

"Kasi nga, napaka small world. Hahaha.. Well, may itsura sya" sabi nito na di naalis ang ngiti.

"Tae nga may itsura eh" sabi ko rito.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon