Chapter 5: One Love Song

325 4 1
                                    

Chapter Five: One Love Song

Carmina's Pov:

"Class, pass your papers now!"

Tumayo na ko sa upuan ko at ipinasa ang test paper ko. Yes! Nakaraos din. Thanks God.

Pagkapasa ko ng test paper ko ay umalis na rin ako ng room.

Naisipan kong itext si Niña, kakamustahin ko lang sila kung tapos na rin silang mag-exam.

To: Niña Mae Lui

Nins, tapos na kami magexam. Kayo?

Message sent

Naglakad na ko sa may hallway ng magbeep ang phone ko.

From: Niña Mae Lui

Caaaaarrrrmsss.... Katapos lang namin magexam sa isang subject. May isa pa kami exam. :(

To: Niña Mae Lui

Osige, Good luck na lang girl. Text me kung tapos na kayo mag exam huh.

Message sent

*Beep*

From: Niña Mae Lui

Okay girl! Babush! relax ka muna jan! Mwaaaahhhh!!!...

Napangiti naman ako sa text ni Niña. Eto talaga!

Papunta ako ngayon sa favorite hide out ko, ang likod ng building namin.

Dito ko gusto lagi pumunta, dahil sa likod nito ay may di kalakihang espasyo, matatanaw mo mula rito ang mga bulubundukin dahil sa mataas ang pagkakatayo ng building nito. Sariwa ang hangin at wala ingay ng mga estudyante.

Umupo ako sa lagi kong inuupuan, sa may ilalim ng puno. Napakatahimik dito at napakasarap damhin ang bawat pagihip ng hangin.

Pero sabi nila ay gagawin daw ito mini hangout building, kung saan pwede magtatambay ang mga estudyante.

Mula sa pagkakaupo ay inunat ko ang aking mga binti at ipinikit ang aking mga mata. Napakastress na araw sakin. Sana makapasa ko sa exam. May maintaining grade pa naman ang course kong accountancy.

Habang akoy nagpapahinga ay may kumalabit sa may balikat ko.

Napakunot noo naman ako.

Sino naman walang magawang estudyante ang kumalbit sakin?

Kinalbit ulit ako ng ilang beses.

Tatlo, apat, lima. Hindi ko sya pinansin. Hanggang tinawag nya ang pangalan ko.

"Carmina" para itong bulong pero rinig na rinig ko.

Napamulat ako sa pagkakapikit. Dahan dahan ko minulat ang mata ko. Istorbo naman sa pagpapahinga!

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" iritable ko sabi.

Nginitian naman nya ako. Isang napakatamis na ngiti.

Ngayon ko lang napansin na ang lapit ng mukha nya sakin. Tinulak ko sya gamit ang isang kamay ko.

"Ah!"

"Para naman masakit yung pagtulak ko"

Ngumiti ulit sya. Bakit ba lagi sya nakangiti? Ang pagkakaalam ko ay isa sya ubod ng suplado at bihira ngumiti. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin.

FLASHBACK

Nasa may canteen kami noon nina Joice, Cyrene at Niña.

Kauupo ko pa lang noon sa may tabi ni Joice, na magtilian ang mga kababaihan sa paligid. Napalingon naman ako sa pinaggagalingan ng tingin ng mga kababaihan.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon