Chapter 27

173 3 0
                                    

Chapter 27:

Nandito ako sa mall ngayon na parang tanga na kanina pa nagpaikot-ikot.

Dapat pala nagpasama ako kayna Cyrene at Niña, hindi ko tuloy alam ang bibilin ko. Nandito lang naman ako sa mall para maghanap ng ireregalo kay Joseph. Nakakahiya man pero, gusto ko syang regaluhan. Feeling ko kasi ako pa yung mali.

"Nakakainis talaga, ano bang gusto nya" napapakamot ako sa ulo ko kada shop na pipuntahan ko.

Bakit ba nahihiraman akong bilhan sya ng regalo? Nabilan ko naman sya dati.

Napapatingin din ako sa mga shop na sya yung endorser.

Naku, dapat dyan tinatanggal na. Hindi na naman sya model.

Teka, ang bitter ko naman.

Dahil sa kanina pa ko nagiikot ay napagisipan kong umupo muna sa may bench dun.

Nakakainis naman eh.

Napatingin ako sa bracelet na suot ko ngayon sa kaliwang braso ko. Ito yung bigay na bracelet ni Joseph. Kulay blue sya na may mukha ng pusa na may nakaukit na J.

Napapangiti na naman ako ng wala sa oras. Nakakakilig na nakakahiya.

Sinabi ko bang nakakakilig? Ah... Wala. Masama ba?

Pano naman may history tong bracelet na to. Nasampal ko pa nga si Joseph nung kinukwento nya ang dahilan kung bakit ito yung nabili nya.

Blue: ito yung kulay ng bracelet dahil daw ito yung.. Gosh! Ito yung kulay ng underwear kong nakita nya.

Pusa: dahil ito yung nakaprinted dun

at letter J: Syempre, umpisa ng pangalan ko.

Sinong hindi mapapasampal. pero medyo kinilig ako ng konti dahil ito kasi yung natandahan nya sakin sa unang pagkikita namin. Kahit ang awkward. Underwear ko pa talaga ang naalala nya. Sa pagkakasabi ko ng kilig. Syempre may karapatan akong kiligin dahil nagrereact ako no, alang naman wala akong reaksyon.

Eh bakit ba ang defensive ko lang?

Napatingin ako ng deretso sa harap ko. Isang AnimeLove, yun yung pangalan ng shop. Bigla ako napatayo sa kinauupuan ko. Parang alam ko na kung ano ang bibilhin ko.

-----

Khatelyn's POV:

"Mabuti naman at nakalabas na po kayo ng ospital, maam" magalang na bati sakin ng maid namin pagkababa na pagkababa ko sa van namin.

"Alalayan na kita" sabi sakin ni Joseph

"Hindi naman ako lumpo, Marco" sabi ko rito na nakangiti.

Tatlong araw din ako sa ospital at nagpalakas talaga ako para sa kanya. Napakasaya ko dahil nandito sya ulit sa tabi ko. Kahit nasa mismong birthday nya ay nandun lang sya para bantayan ako.

Nakapunta na kami sa may salas namin.

"Kakain na po ba kayo, maam?" tanong ng maid namin.

Tanghali na naman pero hindi pa ko nagugutom.

"Oo, ihanda mo na ang hapagkainan. Nandyan ba ang sir mo?" tanong ni mommy sa kasambahay namin.

"Umalis po si Sir. Sabi po may aasikasuhin po sya sa opisina" sagot ng maid namin.

Medyo nawala ang ngiti sa labi ko. Inaasahan ko kasi na nandito sya. Parang hindi nya ko tunay na anak. Kalalabas ko lang ng ospital, pero parang wala lang sa kanya at kompanya pa rin nya ang iniintindi nya. pati na rin kay mommy ay nawawalan na sya ng oras.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon