Chapter 37: Our Goodbyes

153 0 0
                                    

Chapter 37: Our Goodbyes

"Joice, iiwan mo ba talaga kami?" Mangiyak-iyak na sabi ni Niña sakin ng makababa kami sa van na sinakyan namin.

Nandito na kami kaagad sa NAIA Terminal 3.

"H'wag ka ngang O.A best! Para naman di ako babalik" sabi ko rito.

"Mamimiss ka namin, Joice" Sabi naman ni Carmina at bigla na lang akong niyakap.

"Pasalubong ko, huh" Sabi ni Cyrene at kinuha ako kay Carmina at niyakap ako. Naramdaman ko rin ang halik nito sa pisnge ko.

Habang yakap ko si Cyrene ay nakita ko naman si Cha na papalapit sakin "Joice, makapunta ka lang ng ligtas sa Singapore at makauwi ng Pilipinas ay okay na sakin"

Kumalas naman ako sa pagkakayakap ko kay Cyrena at niyakap naman si Cha.

"Ako ba? Walang yakap?" sabi ni Niña at nagopen arms sya, pero di ko sya pinansin. Mamiss ko ang mga kaibigan ko sobra. Yung mga tawanan namin, kwentuhan, kalokohan at lahat-lahat.

"Payakap" pangungulit ni Niña at kinakalpit-kalpit si Cha, mas lalo ko pa tuloy niyakap si Cha.

Mamimiss kong asarin ang best ko.

Di pa sana ako kakalas sa yakap ko kay Cha ng magsalita ang Ate Cha ko. Magkapangalan pa sila.

"Joice, pasok na tayo? Maaga flight ko" sabi nito.

Umuwi si Ate Cha ng Pilipinas ng malaman nyang magtraining ako s Borginia Company, proud daw sya sakin dahil nakapasa ako rito.

Tatango na sana ako ng may umagaw ng atensyon ko sa paparating na puting kotse katabi ng van namin. Ang kintap at mamahalin ang sasakyan.

Mukhang nakita ni Ate Cha ang reaksyon kong manghang-mangha kaya napatingin naman sya sa dereksyon ng mata ko.

Mas lalong lumaki ang mata ko na ang bumaba sa magarang sasakyan na yun ay si Marvic, naka green shirt ito at nakamaong pants, ata para makumpleto ang outfit nya at nakashades pa to.

"Marvic!" Narinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.

Inalis naman nito ang shades nya at tumingin samin, sinandal pa nya ang siko nya sa bubong ng kotse nya at sinabing "Yummy" na syang katono ng pagkakasabi ni Coco Martin, kumindat pa ito.

Bigla naman may lumabas sa may sasakyan ni Marvic ang isang lalaking nakasakay sa may shutgon seat. Naka head phone ito at nakashades din, naka checkered itong pula na hindi nakabotones at may pang loob na puti, nakamaong pants din ito.

Nakita ko namang napatakbo si Carmina rito at niyakap.

"Whoo! Teleserye ata to" Narinig kong sabi ni ate at inayos din nya ang shades nya sa mata.

Naagaw naman ang atensyon ko ng bigla-bigla na lang may yumakap sakin na muntikan na kami mapatumba.

"Ate, mamimiss kita. Wala na kong ate na panget na makikita sa bahay" Sabi nito. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng balikat nito, naalam kong umiiyak sya.

Kahit na lagi kaming nag-aaway ng kapatid kong si Donna ay napakalambing nito at minsan nagkakasundo rin kami sa mga bagay-bagay.

Naiiyak na rin ako sa pwesto ko.

"Nagdramahan pa ang mag-ate" sabi ni Ate Cha, at naramdaman namin ang yakap nya samin.

Mga ilang minuto kaming magkayakap at nakita kong nakalapit na pala samin sina Hero at Marvic.

"Best!... Aalis ka na, mamiss mo kagwapuhan ko" Sabi ni Marvic at niyakap ako nito.

Mamiss ko rin ang taong ito. Naalala ko tuloy yung araw na hindi ako nakapasok sa first class ko dahil pilit nyang gustong makipagkaibigan sakin.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon