Chapter 18

221 3 0
                                    

Chapter 18:

"Dyan ka na lang ba habang buhay?" tanong ni Joseph sakin na nakaupo na sa loob ng kotse nya.

Seryoso? Di man lang nya ko pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Di naman sa nagiinarte, pero pagentleman naman sya kahit minsan.

Kahit naiirita ako at nagiinarte, at ako na ang ihahatid nya sa bahay namin, kahit sya naman nagoffer. Bubuksan ko na sana ang pinto pero di mabuksan.

"Hoy!" sabi ko rito at kinatok ang bintana ng kotse.

Binaba naman nya ang bintana ulit.

"Sorry" sabi nito at may kung anong pinindot.

Yung totoo? Pinaglalaruan ba ko nito?

Nang buksan ko na ang pinto ay nabuksan na to. Pumasok na ko sa loob at sinarado ang pinto.

"Southville, kuya" sabi ko rito.

"Driver ako?"

"Sa tingin mo? Ako may hawak ng maninela? Nag-alok kang ihatid ako. Kaya gawin mo na"

"Tsk. Ang gwapo ko lang talagang driver" sabi nito.

Napangiti na lang ako. Kunting konti na lang ay masasanay na ko sa kayabangan nito.

10 minutes lang naman ang byahe mula school hanggang samin.

"Joseph, san ka nga pala nakatira?" tanong ko rito.

"Bakit? Pupuntahan mo ko?" sabi nito

"Parang nagtatanong lang" sabi ko rito

"Sa Villamore Condominium"

"Mag-isa ka lang don?" tanong ko ulit.

"Yap. Nabili ko yun dahil sa pagmomodel ko" sabi nito at tumingin sakin saglit .

Nag-indian sit ako at humarap sa kanya. Nakita ko naman napatingin sya.

"Hoy! Umayos ka nga dyan ng upo." sabi nito.

"Grabe! Dami mong kita sa pagmomodel. Di mo ba namimiss mommy mo? Di ka ba napapasyal sa inyo?"

"Nasa California ang magulang ko" sabi nito

"Kapatid meron ka?" tanong ko rito.

"Wala. At saka ba't ang dami mong tanong?" sabi nito at napakamot ng ulo.

Tumingin naman ako sa daan at napansin kong malapit na ko sa bahay namin.

"Dyan! Dyan! Dyan! Dito na lang" sabi ko kay JM at may paturo turo pa ko.

Sa may kanto ko ipinahinto sa kanya ang sasakyan. Ayoko ko kasing makita nya ang bahay namin.

"San dito bahay nyo?" tanong ni JM.

"Secret. Salamat" sabi ko rito at bumaba agad ng kotse.

Nakita ko naman binaba nya yung bintana ng kotse.

"Hoy!" sabi nito.

"Ano? Alis na. Chu!" pagtataboy ko rito.

"May sayad ka ba? Pasok. Di pa naman ito sa inyo" sabi nito

"Eh.. Ayoko.  Tsaka malapit na samin dito"

"Okay" sabi nito at isinarado ang bintana.

Nakatingin ako sa sasakyan nya dahil hinihintay ko itong umalis bago maglakad pero nakapark lang sa harap ko ang sasakyan nya kaya kinatok ko ito.

"What?" tanong nito

"Bat di ka pa umaalis?"

"Hinihintay kitang maglakad bago ko umalis"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon