Chapter 32

185 2 0
                                    

Chapter 32:

Magkahawak lang ang mga kamay namin sa isa't isa habang nakasandal ako sa mga balikat nya at sya namang nakasandal sa may uluhan ko.

We remain silent habang pinapanood ang mga kumukutikutitap na ilaw. Pinaglalaruan din nya ang bawat hawak nya sa mga daliri ko. Hindi maalis sa mga labi ko ang labis na ngiti.

Ang sarap ng pakiramdam ko na kasama ko sya, ang sarap pala talagang magmahal. Hindi rin maiwasang bumilis ang pagtibok ng puso ko habang kasama ko sya. Kahit pakiramdam nito ay tumakbo ako ng napakalayo-layo, ay ito na ata ang the best feeling.

Napapikit ako ng maramdaman kong hinalikan nya ang buhok ko.

"I love your smell" sabi nito.

Lalong lumapad ang mga ngiti ko sa labi at hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

Gusto ko sya, mali, mahal ko sya. Mahal ko si Joseph, Siguro matagal na, pero umabot ng ganto. Habang nakikita ko siyang kasama ng iba, gusto ko akin lang sya. Selfish ako sa pag-ibig. Sino bang hindi? Sinong gusto maagawan ng minamahal?

Aminin ko man o hindi sa sarili ko na mahal ko sya, ito yung nararamdaman ko. Oo, natatakot akong masaktan, pero hanggang kailan ako dadalhin ng takot ko? Haggang magsawa na sya at iwan ako? Kaya bago pa lang mangyari yun ay sinugal ko na ang lahat. Gusto ko magmahal hanggang kaya ko pa.

"Kala ko wala na talaga kong pag-asa sayo"

Tumingala ako sa kanya para makita ko ang mukha nya. Nakatingin lang to sa kawalan

"Halos maglumo ako ng binasted mo ko. Sa araw pa mismo ng kaarawan natin" nakangiting sabi nito

"Bakit kasi di mo sinabi sakin?" sabi ko sa kanya.

Niyakap lang ako nito at hinalikan ang gilid ng leeg ko. Nakaramdam naman ako ng kuryente sa buong katawan ko.

"February 14, isang napakaespesyal na araw" sabi nito at hinikpitan ang yakap nya sakin.

"I love you" sabi ko sa kanya na nakatingin sa mga mata nya.

"I love you more than you know"

-------

Kinabukasan ng sagutin ko si Joseph ay sabay naming dinalaw si Ate Khatelyn sa ospital. Araw-araw din namin itong binibisita na may dala-dala kaming mga prutas at mga bulaklak sa kanya. Katulad pa rin sya ng dating unang punta namin sa ospital, lagi pa rin nya hinahanap si Joseph. Nakakaramdam ako ng konting selos dahil dito pero unti-unti itong natatakpan dahil sa  paglalambing na ibinibigay ni Joseph sakin.

Ngayon na rin ang araw ng pag-uwi nya sa bahay nya at nandito kami ngayon ni Joseph para tulungan sya at samahan sya sa pag-uwi sa kanila.

"Joice, dyan ka muna. May pinapaayos lang sakin si tita sa may sasakyan" sabi ni Joseph at iniwanan kami ni Ate Khatelyn sa loob ng kwarto.

Tinitiklop ko naman ang mga ilang damit ni Ate Khatelyn sa may sofa don. Napakatahimik namin at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig. Naiilang na rin ako sa lagay namin sa sobrang tahimik at kami lang dalwa ang nasa loob ng kwarto, dahil na rin siguro na ex sya na ngayong boyfriend ko.

Nakita kong gumalaw si Ate Khatelyn mula sa pagkakaupo nya sa kama nya at mukhang tatayo ito. Agad ko naman syang pinuntahan para alalayan.

"Ate Khatelyn" sabi ko rito at hinawakan ang mga braso nya.

"Pupunta lang ako sa tabi mo" sabi nito na nakangiti sakin. Pero alam ko naman ang mga ngiting 'yon ay pilit nya lang ipinapakita.

Tinulungan ko itong makapunta sa may sofa, kung saan ako nakaupo at inaayos ang mga ilang gamit nya. Pinaupo ko sya at inayos at isinilid agad sa bag ang mga gamit.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon