Chapter 9; Chocolate Almond

293 2 0
                                    

Chapter 9: Chocolate Almond

Kanina pa ko pagulong gulong sa kama ko. Nakakainis!

Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari ng gabing iyon?

-Flashback-

Hinawakan ng dalwang kamay nya ang magkabilang pisnge ko at unti-unti nitong natanggal ang nakasuot sakin na maskara.

"In.. One.. Two Three... Happy 12 midnight!"

Nagulat ako sa mga narinig ko ng oras na yun.

"Ayan, mas komportableng kumilos pag wala ito" sabi naman ni JM.

Ngumiti ito sakin, at nakahawak pa rin ako sa ganya at ganun din rin sya sakin.

"12am na ba?" natataranta kong tanong sa kanya.

Nagkibit-balikaat ito.

Agad naman akong tumakbo palayo sa kanya.

"Joice, san ka pupunta?" sigaw nito sakin.

Agad naman akong tumakbo sa may third floor, para hanapin ang room na nakalagay na gift.

Nang makita ko, ang pintong hinahanap ko ay agadakong lumapit dito, pero biglang bumukas ito.

"Joice.. Oh? Parang hinahangos ka?" tanong ni Cha

"San ka nga pala galing?" tanong ni Cyrene

"Teka, Joice.. Yung sapatos mo?" Si Niña

Agad ko naman tiningnan ang paa ko.

Shems. Yung sapatos ko! Naiwan ko

-Flashback ends-

"Ate!!"

Napabalikwas naman ako ng bangon sa kama ko, nang biglang pumasok si Donna.

"Anong... ginagawa mo sa kwarto ko huh?" Taas kilay na sabi ko.

"Bumangon ka na nga dyan. Mamimili tayo nina daddy ng paghanda sa Noche Buena" sabi nya na naka crossed arms pa.

Ang galang naman ng kapatid ko. Ganto ba talaga ang pagbati sakin ng 'Good Morning ate' tsk.

Tiningnan ko naman ito mula ulo hanggang paa.

"Pasko na ba ngayon?" tanong ko sa kanya. "Mukha ka kasing nakapamasko ka na. hahaha" sabi ko rito.

Nakasuot kasi ito ng mini skirt at naka sleeveless ito with matching maong jacket at naka boots pa.

"Che! Kaysa naman sayo na gulo-gulo pa ang buhok!" sabi nito at isinara ng malakas ang pinto ng kwarto ko.

"Donna! Ang sakit sa tenga!" Sigaw ko rito.

Nakalabas na ito ng kwarto ko. Nag-eko naman ang sigaw nya mula sa labas "Buti nga sayo!"

Hay naku! Etong batang to! BRAT!

Bumangon naman ako sa kama ko at inayos ito. Agad akong dumiretso sa Bathroom at ginawa ang morning routine ko.

--

"Good Morning!" bati ko kayna mom and dad. Idamay na natin si little sis.

"Ang tagal mo naman baby, kanina pa kami nagbrebreakfast" sabi naman ni dad, habang nagbabasa ito ng dyario.

Umupo ako sa tabing upuan ni ma.

"Joice, Sino nga pala kasama mo kagabi sa party?"

"My friends" sabi ko at kumuha ako ng hotdog at sinangag sa lamesa

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon