Chapter 25

205 3 2
                                    

Chapter 25:

Pagkatapos na nangyari kanina sa may coffee shop ay napagdisisyunan na namin na umuwi sa bahay. Nagrereklamo pa nga itong si Cyrene na gusto na raw nyang kainin kanina pa ang cake na binili nila sakin, kanina pa rin daw nya pinagtitiyagaan ang cake na inorder nya sa coffee shop kanina. Napapatawa na lang ako, halos nga muntikanan na nyang kainin ang plato sa sobrang simot ang strawberry cake na inorder nya.

Nagprepared din sina Mommy ng kunting handa para sa lunch namin. Inaamin ko naman medyo maykaya kami, gusto kasi ni dad na magkaron ng party pero hindi ko ito pinayagan. Im 20 years old na. Hindi rin naman ako mahilig magclubbing or mag bar like other girls, but I love shopping.

Pinagsaluhan namin ang tanghalian namin kasama ang mga kaibigan ko. Mukhang pasosyal pero ang papatay gutom ng mga yan. Hahaha..

After lunch, nag movie marathon kami. Gusto pa nga nilang mag sleepover sa house namin, kaya lang ayoko kahit na sunday naman tomorrow. Hindi na ba sila nagsasawa sa mukha ko? Halos monday to friday na kami nagkikita.

Dito rin sila naghapunan samin. Oh di ba? Parang pamilya ko na ang mga kaibigan ko. At pagdating ng 8:30 ng gabi ay napagdesisyonan na rin nilang umalis. Yes! Kanina pa kasi silang 9:00 am samin. almost mag 12 hours na rin.

"Bye, Joice" paalam sakin ni Carmina at binesohan ako. Ganun din ang ginawa sakin ng iba kong mga kaibigan at sinarado na ang gate.

Mahal talaga ako ng mg kaibigan kong ito. Kinumpleto nila ang birthday ko.

Pumasok na ko sa loob at dumeretso sa kwarto ko. I feel tired ng konti, pero masaya ako kahit na napakasimple lang ng pagkakacelebrate ng birthday.

Naligo muna ako at nagpalit ng ternuhan kong paboritong hello kitty na pantulog. Kahit na 20 years old na ko ay natatawa ako sa sarili ko. Napakaisip bata ko pa rin.

Pumunta ako sa may kama ko habang hawak hawak ko ang laptop ko. Mag log in lang ako sandali sa facebook at twitter. Titingnan ko lang kung sinong bumati sakin.

Nang makapag sign in na ko ay naka 50+ notification ako, na nagsasabi lang ng happy birthday. Ang iba ay di ko kilala.

Nakaupload na rin agad ang video kanina ng pagsusopresa na ginawa ng mga kaibigan ko at ang dami na ring naglike.

Ililike ko na sana ito ng may kumatok sa pinto ko at pumasok ang maid namin.

Napatingin ako sa kanya.

"Maam, may bisita po kayo sa labas" sabi nung maid namin.

Ako? May bisita ng gantong gabi na?

"Sino po raw?" tanong ko

"Lumabas na lang po raw kayo, nasa may garden nyo po sya" sabi ng maid namin at tumango. Umalis na rin ito at sinarado ang pinto.

Tiningnan ko sa may laptop ko kung anong oras na ba at 10:15 pm na.

Nilike ko muna ang video at naglogout na sa facebook at ganun din sa twitter.

Dumiretso ako sa salamin at nagsuklay ng buhoy.

Sino kaya yung bisita ko?

Di na ko nagpalit ng damit at tumungo sa may garden namin na nakapantulog.

Nakita ko mula sa pwesto ko ang nagliliwanag na lugar sa garden namin. Kahit kasi hindi na Christmas ay napupuno ng mga ilaw ang paligid ng garden namin.

Nakita kong nakatayo ang isang lalaki sa gitna ng garden.

Kahit nakatalikod sya ay alam ko na kung sino ito.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon