Chapter 7: Exchange gift

279 3 0
                                    

Chapter Seven: Exchange gift

Joice's POV:

"I hate him! I hate him! I hate him! I hate him! I hate him! I hate him!....." Gigil na gigil ako sa lalaking yun. Argh!!

Halos masira ko na ang mga libro ko kakahataw sa may lamesa. Kung mukha lang ng Mechavez na yon ang hinahampas ko ay mababawasan ang galit, inis at yamot na nararamdaman ko.

Buti na lang ay vacant na namin dahil di ko matagalan ang lalaking iyon.

"Relax Joice" sabi ni Cha.

Kumalma naman ako ng kaonti at huminga ng malalim. Nakakastress ang lalaking iyon.

"Joice, may pagnanasa ka nga ata talaga kay JM" sabi sakin ni Cyrene.

Biglang dumaloy ang

"Hello?! Suklam na suklam kaya ako sa kanya kanina. I mean always! Kita mo yung ginawa nya sakin? God! Pinalabas nyang gusto ko sya at liligawan ko raw sya? Ang masaklap pa, naniwala naman ang buong klase at ultimong si Maam Lopez!"

Hina-Highblood ako.

"Kami nga naniwala kanina eh. Haha.." Sabi ni Cyrene

Binatukan ko nga.

"Hay naku! kung hindi ko pa kinukwento sa inyo ang lahat ng nangyari, habang buhay kayo dyan maniniwala sa kaartihan nya." sabi ko sa kanila

"OO" sabay na reaksyon ng dalwa.

Toinks!!

=___________________________=

Napahawak na lang ako sa may noo ko.

"Hindi na nga kami magpapakabaliw kay JM. Sayo na nga sya. Boto naman ako sa inyong dalwa"sabi ni Cyrene, pagkatapos ay nagpout pa. YUCK!

Bigla naman dumating si Niña na may dalang isang chocolate cake at isang mango juice.

"Joice, bat nga pala kasama ka namin magcanteen? di ba nga sabi ni JM 'Walang alalay ang nakahiwalay sa amo nya?" ginaya pa nito ang malalalaking boses ni JM.

Umupo ito sa tabi ko.

"Hmp.Ay! Ewan! Ang kapal nya! Buti nga nagpaalalay pa ako sa kanya noh! Kung hindi lang dahil nga dun sa video. Hays! Yung mokong na yun! Okay na daw yung ginawa nya saking pangaasar kay maam, bawing bawi pa nga raw. Kita nyo! kung gaano kasama yang hinuhumalingan nyong model!!!...... Dating.. Model"

"Uy teka! sila lang" pagdedepensya ni Cha.

"Bakit? pogi naman si Fafa JM ah" pagtatangol ni Niña

"Oo nga!" dugtong ni Cyrene

"Guys, pinaguusapan ay ang ugali at yung ginawa nya sakin" sabi ko sa kanila

"Edi.. ibig sabihin. Pogi nga si JM?" tanong ni cha

"OO.. Este--" hindi pa ko tapus magsalita ay nag "UUUUUUUUYYY!!!" na sila

"Ano ba guys!!! Syempre meron bang magmomodel na panget? duh!" sabi ko sa kanila at nag rolled eyes.

Mga tatlong minutong katahimikan ang dumaan, bago may magsalita samin. Syempre, busy sa pagkain.

"Guys, may ibabalita pala ako sa inyo" sabi ni cha

"Ano yun?" sabi ko habang kumakain ng chips

"Si Ate Khatelyn uuwi na bukas" nakangiting sabi ni Cha

"Si Ate khatelyn?" di makapaniwalang si Niña

"Talaga? tapos na ba ang on the job training nila sa US?" tanong ni Cyrene

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon