Chapter 30

232 1 1
                                    

Chapter 30:

"Joice, you're my ecstasy. I love you"

Halos magwala ang puso ko pagkasabi nya ng mga linyang ito. Yung tipong sasabog dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin pa rin ako sa mga mata nyang nakatitig sakin na nagbibigay ngkakaibang pakiramdam sakin.

Bigla kaming napatingin sa may pintuan ng elevator ng tumunog ito. Nasa floor 29 na pala kami. Ihahakbang ko na sana ang paa ko para umalis ng hawakan nya ang kamay ko.

*dugdugdug*

Pinunan ng mga daliri nya ang bawat pagitan ng mga daliri ko. Di ko alam ang nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga sinabi nyang "Joice, youre my ecstazy. I love you"

Naramdaman kong may tumulong isang luha sa may kanang mata ko at agad ko itong pinunasan. Naradaman ko na naman ang isang bagay na syang ayaw ko pang maranasan ngayon, dahil sa ayoko ng masaktan pa. pero di mo naman malalaman na nagmamahal ka kung hindi ka masasaktan, dahil sa bawat pagmamahal ay may sakit na kakambal. May sakit man pero yung sakit na yun ay napapaltan ng pagmamahalan.

----

Valentine's day:

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko mula saking pagkakatulog, may narinig kasi akong ingay na syang nagpagising sakin. Agad ko namang kinapa sa may sidetable ko ang phone ko ng may makapa akong ibang bagay. Kinapa ko ito ng kinapa, pahaba ito at..

Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga ko at kinuha ko ang bagay na kanina ko pa kinakaba.

Isang tulip na yellow?

Kinuha ko ito at inamoy-amoy. Binasa ko rin ang note na nakalagay dito.

"Happy Valentine's Day Mahal!

I'll fetch you, 7pm.

- Joseph Marco Mechavez"

Se-seven pm? Magdedate ba kami ma-maya?

Agad akong bumangon sa kama ko at pumunta sa closet ko.

A-ano ba magandang isuot? Ito o ito? Ito kaya?

Di ako magkamayaw sa mga damit na nilalabas ko sa cabinet ko at sinusukat ko sakin sa harap ng salamin.

Dapat maganda ako mamaya, dapat mabango ako, dapat yung tipong bighaning-bighani sya sakin.

Halos halungkatin ko na at ilabas lahat ng mga damit ko sa closet ng matigilan ako.

San ba kami magdadate? Baka naman maoverdressed ako nito.

Agad kong kinuha ang sulat na nasa may table at binasa ulit. Tiningnan ko pa ito sa likod pero yun lang ang nakasulat. Walang nakalagay kung san kami magdadate. Baka kasi hindi sa magarang restaurant nya ko dalhin. pero si Joseph yan eh. Mayaman nga sya di ba? Mayabang.

Gusto mo naman

"What?" napasalita ako sa sarili ko ng sumingit sa isipan ko yan.

Ahh! Later na yung date namin eh. Dapat napaghandaan ko ito.

Kinuha ko ang ilang damit na nakalagay sa may kama ko na kinuha ko mula sa closet ko at sinukat ulit sa harap ng salamin.

Napapailing ako sa mga damit na naisukat ko na. Nang napaisip ako.

"Yung regalo nya" parang isang light bulb lang ang lumitaw sa ibabaw ng ulo ko.

Agad ko namang kinuha ang regalong iyon sa may kasuluksulukan ng cabinet ko. Nabuksan ko na ito dati pero hindi ko pa ito naihahalo sa mga ibang damit ko, nasa may lagayan pa rin nya itong paper bag.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon