Chapter 29

200 2 0
                                    

Chapter 29:

"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin sa'yong tingin akoy nababaliw giliw. Lalala~" Napapakanta ko ng HARANA by Parokya ni Edgar habang naliligo sa banyo

"Sa isang munting harana, para sayo! Kyaaah~" Napapatili ako sa kilig.

Di ko akalain kasing haharanahin ako ni Joseph. Matagal ko na kasing pangarap na may magharana sakin sa gantong moderno na ang mundo. Ganto pala kasaya ang feeling at nakakakilig.

"Kyaaah~" nagwawala na ko.

Kinuha ko na ang tuwalya kong nakasabit at ang bathrobe ko. Pinunasan ko ang katawan ko at pinulupot ang tuwalya sa buhok ko at sinuot ang bathrobe.

"Hhhmmm... Para sayo.. Lala~" lumabas ako ng bathroom ko na kumakanta.

Napapapikit pa ko sa pagkanata kong iyan at feel na feel ko ang kanta. Pagkalabas ko sa banyo ay agad akong pumunta sa may salamin ko na nakapikit pa rin na pinupunasan ang buhok ko. Minulat ko na ang mga mata ko para makita ang maganda kong mukha sa salamin.

"Puno ang - "

0________________________________________0

Namamalikmata ba ko?

Pikit mata. Dilat mata. Pikit mata. Kusot mata. Kurap.

"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.." Sumigaw ako sa sobrang gulat sa  nakita ko sa may harap ng salamin. Napapikit ulit ako. Baka nanaginip lang ako.

Nakaramdam naman ako ng isang mainit na yakap mula sa likod ko. Gosh.

"Stop shouting. Ang sakit na sa tenga" reklamo nito.

Nang maalala ko na nakabathrobe lang pala ako at nandito pa sya sa kwarto ko na nakayakap sakin.

"Manyak" sabi ko rito at kumalas sa yakap nya.

"Anong ginagawa mo rito?" hinarap ko sya.

"Sinusundo ka?"

"Alam ko, pero bakit ka na-nandito sa kwarto ko? at sinong nagsabing pumasok ka huh?" sigaw ko rito.

"Si pards" sagot nito.

Natahimik naman ako bigla. Si dad? Pinapasok sa kwarto ko ang lalaking ito? Gusto nya bang magkaapo? Magka apo agad? Ano tong iniisip ko? Nanliligaw pa lang sya. Eh pano kung rape-in ako nito. Ngayon pa nga lang na nakaganto lang ako at niyakap pa nya ko.

"Chupi na" sabi ko sa kanya at tinutulak ko sya sa may pintuan ng kwarto ko.

"Uy" pagpipigil nya at iniistop pa nya ang paa nya sa sahig para hindi sya makaalis.

"Hoy, umalis ka nga. Kita mo ba tong suot ko?" tanong ko sa kanya.

Habang tinutulak ko sya ay humarap naman sya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hot"

(////////////////O.O///////////////)

"Labas!!!!!!"

----

Pagkatapos kong magbihis at maghanda sa school ay sumakay na ko ng kotse nya at nakita kong nakatingin sakin si Joseph mula ulo ko pababa. Tas tingin ulit sya pababa-pataas.

Problema nito? Tiningnan ko rin ito mula ulo hanggang bewang. Hirap tingnan sya hanggang paa nakaupo eh. Hehe.. Corny ko. Tas kinindatan pa ko ng lalaking to,Weird. Napapailing na lang ako.

Habang kinukuha ko yung seatbelt ay hindi ko makapa. Asan na yun? Sinilip ko pa ito sa gilid. Nang makita ko na at nahawakan ko na ay may kumapit sa kamay ko.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon