Chapter 3: The Past

313 5 0
                                    

Chapter Three: The Past

Sabado ngayon! Sabado na dapat ay walang klase. Sabado na dapat nagbeabeauty rest ako sa bahay. Pero hindi! Andito ako sa school para umattend ng isang klase. Kala ko ay nakatakas na kami sa saturday class last sem, pero hindii..

"Nakakapagod talaga pag saturday class" Nakabusangot kong sabi.

Tapos na ang klase namin ngayong sabado at andito kami sa may bench na tambayan namin.

"Sinabi mo pa" Pangsang-ayon sakin ni Cyrene.

"Di pa ba tapos klase nina Carmina?" tanong naman ni Niña samin habang kumakain ng chips.

Humingi naman si Cyrene na medyo pinagdamutan pa nito.

"Mag-mamall pa ba tayo? Wag na!" pagtanggi ni Cha, habang naglalaro ng stick hero sa phone nya.

"Oo nga. Nakakapagod" sabi ko sa kanila at isinubsob ang mukha ko sa libro na nakapatong sa lamesa.

"Eeh.. Ayaw. Bibili ako ng bagong issue ng Fox magazine! Si Fafa JM ang cover! Again and Again!" Hinampas pa ko sa baso ni Nins.

"Talaga? Talaga? Bakit di ko alam? Im gonna buy!" Sabi ni Cy at naghawakan pa ng kamay ang dalwa, na parang naghaharlem shake.

"Hindi ko lang maisip na model yung lalaking yun!" sabi ko na syang napatingin ng masama yung dalwa.

"Bakit naman? Gwapo naman si JM. Matangkad at matipuno ang katawan. Makinis rin naman" sabi ni Cha.

Inalala ko naman ang itsura ng taong yun. Sabagay, matangkad, matipuno ang pangangatawan at may itsura naman ang lalaking yun. Di ko lang matanggap ay sobrang sikat nya at lapitan ng mga babae, eh ang yabang-yabang naman nya!

"Nins, dala mo ba yung movie kung saan kasama dun si JM?" tanong ni cy.

"Shems! Nalimutan ko. Daan ka na lang sa bahay" sabi naman ni Niña

"So, actor din sya?" mataas na kilay na tanong ko sa kanila.

"Hmm. Yeah!" sabi ni Niña na nakawagayway pa ang kamay.

Napalingon naman kami sa may hagdan na katabi ng bench. Nandito na kasi si Carmina, at himala ay wala syang dalang makakapal na libro.

"Mall na tayo?" masayang sabi nya.

Bigla naman tumayo kaagad sina Niña at Cyrene.

"Sige, una na kayo. Magkikita kami ng sweetheart ko" sabi ni Cha, na nagmamadaling umalis.

Napailing na lang ako. Iba talaga ang tama ng pag-ibig.

Umalis na kami ng school at sinundo kami ng driver ni Carmina.

"Magshoshopping ba kayo o kakain lang tayo?" tanong ni carmina mula sa front seat.

"Pag may nagustuhan magshoshopping. Pero bibili talaga ako ng issue ng Fox Magazineee!!"

Bigla ko naman tinakpan ng bibig ni Niña sa sobrang lakas ng pagkakatili. Napatawa naman ang driver nina Carmina.

"Nakabili na ko nun" Mahinang sabi ni Carmina pero rinig na rinig ko.

"What?" Seryoso? Bumibili rin pala sya ng magazines?

Ibig sabihin din na kilala nya si JM? Bakit ako di ko sya kilala? Meron naman siguro na ibang tao na hindi sya kilala no?

"Uhmhem. Halos interview nga nya yung lan ng buong magazine" namumula ang pisnge si Carmina.

Kinikilig ba sya o nahihiya?

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon