Chapter 6: Jacket

296 3 0
                                    

Chapter Six: Jacket

JM's Pov:

"Dude! Tulala ka." Tinapik ko sa kanang balikat si Hero na kanina pa tulala na nakaupo sa sofa.

Pinagsamaan lang ako ng tingin at kinuha ang headphones nya at isinuot.

Napailing ako. "Aish!"

Nilingon ko si Marvic na nagsusulat sa study table. Seryoso ang mukha nito at napapanguso pa sa pagsusulat.

"Marvic! Uso pala sayo aral. Pangatlong first year na yan ah! Magshift ka ulit! hahaha"

Seryoso nga ang gago at di ako nilingon. Baka mapanis ang laway ko rito dahil hindi ako kinikibo ng dalwang ito.

Nakaupo ako sa tapat ni Hero at boring na boring na ko. Tanging tunog ng orasan lang ang naririnig ko at ang tunog ng makina ng aircon.

Inihagis-hagis ko ang isang paa kong nakapatong sa isa pang paa ko at pasipol-sipol. Napakatahimik.

Tumayo na lang akong bigla.

"Hay buhay! Wala bang papansin sakin? Bihira naman oh! Kaboring. Dyan na nga kayo! Makapasok na lang! Sayang ang mamahaling oras ko sa inyong dalwa!" sabi ko at preskong lumabas ng kwarto.

May sarili akong kwartong pantambayan sa school. Sina Hero at Marvic lang ag pinapayagan kong makapasok dun, at syempre ang mga tagalinis na rin ng school  Iba na talaga pag may-ari ng school. Ang lakas ko.

Naglalakas ako sa may hallway ng school at pansin ko ang ilang mga kababaehan na napapatingin sakin. Libre lang yan, sulitin nyo na.

Sa paglalakad ko sa hallway ay nakita ko si Ms. deLeon. Ayos! Maypagkalilibangan ata ako.

"Ms. Tagos!" Sigaw ko sa kanya.

Malayo pa sya sakin at mukhang nabosesan ako. Nakita ko ang paghahanap nya sakin.

"Ms. Deleon!!" sigaw ko ulit.

Nakita na nya ko at biglang ngumiti. Sabi na nga ba may lihim na pagtingin ito sakin.

Patakbo syang lumapit sakin.

"Missed me?" bungad ko sa kanya pero hinataw lang ako sa braso.

Aba!

"Hoy! Anong Ms. tagos?" sabi nya sakin.

"Haha.. Meron ka di ba? At totoo naman" pangiinis ko sa kanya.

Ang sarap talagang gagalitin ng babaeng ito.

"Che!"

"Sungit! Halatang meron" sabi ko aa kanya.

"Oo na. Okay! Kung hindi mo ko tinulungan kahapon. Masasapak kita ngayon" sabi nya sakin at may kinuha sa bag nya, ang jacket ko.

Hindi ko kinuha ang jacket ko at naglakad ng palayo sakanya.

"Marami na kong jacket. Sayo na yan. Mukhang di nilabhan at mukhang amoy tagos" sabi ko sa kanya.

Sinundan nya ko ng lakad.

"Hoy! Nilabhan ko yan!" sabi nya.

Hibarap ko naman sya.

Tung jacket na pinahiram ko pa naman sa kanya ay ang paborito ko sa lahat ng mag jacket ko.

"Pinakulo mo ba yan ng mainit na tubig?" tanong ko sa kanya.

Baka may germs pa yun.

"Arte mo huh? Ano ko may virus?"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon