Chapter 15

247 3 2
                                    

Chapter 15:

Nakakainis, nakakainis, nakakainis at nakakainis! Aarghh...

Maaga ako ng 10 minutes bago ang klase.

Nakakaasar, makita ko lang yung mukha nya ngayong araw! Hindi ako magdadalwang isip na sipain ko sya.

Pagkatapos nya akong iwan sa Ice Cream House?

Alam ba nyang sampung minuto akong naghintay sa kanya sa loob, kasi baka nga nagCR lang sya? Natunaw na nga yung ice cream nya.

Tiningnan ko pa sya sa may parking lot at nandun pa ang kotse nya.

Pero naghintay ako ng isa pang sampong minuto at wala pa rin sya.

Aaarrrrggh...

Mabilis akong naglakad papuntang classroom ko.

Bumungad naman sakin pagpasok ko ay ang mga nagkukumpulang estudyante na hawak hawak ang mga cellphone, ipad,  laptop at kung ano mang meron silang gadgets

Pumunta ko sa may pwesto ko ng makita kong nakaupo sa upuan ko si Niña at nakikipagchismisan kay Cyrene na hawak ang phone nila parehas.

"Best, tabi." sabi ko rito.

Tiningnan naman nya ako ng matagal at biglang umalis sa upuan ko.

Umupo naman ako at ipinatong ang bag ko sa desk.

"Best, alam mo na ba yung kumakalat na picture?" tanong nito.

Naguluhan naman ako. Scandal ba yun?

"Hindi. Ano ba yun?"

Binigay naman sakin ni Cyrene ang phone nya at tiningnan ko ang picture na nakadisplay doon.

Dalwang taong magkayakap.

"Oh? Anong gagawin ko dyan?" tanong ko rito at ibinalik sa kanya ang phone nya.

Lumapit naman sa may unahan ko si Cha at inilahad ang laptop nya sa mukha ko. at iniSlide show ang iba pang mga picture.

"Si Joseph at Ate Khatelyn to ah" sabi ko at inagaw sa kanya ang laptop nya at tiningnan maigi.

Napakunot naman ako ng konti sa nakita. Sa may parking lot kasi ito ng Ice Cream House. So, iniwan nya ako kahapon, dahil nakita nya si Ate Khatelyn?

"Sino kumuha nito?" tanong ko sa kanila.

"Hindi namin alam. Paparazzi. Lumitaw lang yan sa website ng mga celeb" sabi ni Cha.

"Nakita na ba yan ng pinsan mo?" tanong ko rito.

Nag shrug naman sya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang professor namin.

Inaabangan ko pa naman ang sinabi ni Cha na bagong professor na pumalit kay Maam Tolentino sa isang subject namin. Nang maalala ko ay tuesday nga pala ngayon at iba ang sched ng MWF namin sa TTH.

----

"Friends, Hintayin nyo na lang ako sa may cafeteria" sabi ko sa mga kaibigan ko habang inaayos ang gamit ko.

Vacant na namin kaagad.

"Bakit, san ka naman pupunta?" tanong ni Cyrene.

"Sa BA Faculty. Ipapasa ko lang to" sabi ko

"So, disidido ka na nga talaga? Di ba masyadong maaga para dyan. Pwede namang next year.  Fourth year na tayo nun" sabi naman ni Cha

"Mas mabuti ng maaga. Para, konti na pati yung gugugulin kong time pag dito ko sa Pilipinas nag OJT next year. Kayo? Wala kayong balak?"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon