Chapter 2: Profession

394 6 1
                                    

Chapter Two: Profession

Katulad ng inaasahan ko, kinuwento na agad ni Niña kay Cyrene ang nangyari kanina pagkagaling na pagkagaling namin dito sa cafeteria. Nakishare pa nga sya sa biniling pagkain ni Cyrene dahil sa sobrang dami, meron hotdog sandwich, ham and egg sandwich, blueberry cheesecake, two mango shake at isang malaking Pick-A.

"Shiguradhu ka? Nahkitah ni Fafa JM ang Undish ni Joice?" Nanlalaking mata na si Cyrene.

"OhOh!! shuwerteh nyha ngha dibha?" Sagot ni Niña

"Shanha akho nhalhang"

"Ambishusha! Akho dafat."

Napaparoll eyes na lang ako sa dalwang ito. Nagkwekwentuhan sila habang ngumunguya ng tig-isang sandwich.

"Hep! Teka nga! Nagkakaintindihan ba kayong dalwa?" tanong ko sa kanila habang kinakain ang Pic-A ni Cyrene.

Napatingin naman sila sa gawi ko at sabay na napakuha ng inumin at nilunok ang mga pagkain nguya nguya nila.

"Teka! Joice, bakit mo binuksan ang chichirya ko!" Inagaw naman sakin ni Cy ang pagkain nya na agad kong kinuha rin.

"Damot naman nito. Pahinge, di ko naman mauubos" sabi ko sa kanya.

"Payat ka, Joice pero hindi ibig sabihin nun di ka matakaw" sabi pa nya at tuluyan na kinuha ang Pic-A. Basta talaga pagkain ang damot ng friend kong ito.

"Nins, yang hotdog sandwich ko. Bayaran mo" sabi naman ni Cy kay Niña.

"Oo na, oo na" sabi ni Niña at tuloy lang sa pagkain.

"Si Cha at Carmina, padating" sabi ni Cy na nakatingin sa may pintuan ng cafeteria.

Napalingon naman ako sa may entrance dahil ang pwesto ko ay nakatalikod ako at sila ni Niña at Cyrene ang nakaharap sa may pintuan ng cafeteria.

"Hi!" Mahinhin na bati samin ni Carmina.

Nakasalamin ito na malaki at may yapos na dalwang makapal at malaking libro.

"Hello, guys!" bati naman samin ni Cha at tumabi sakin at inakbayan ako. Medyo boyish si Cha, pero may boyfriend yan.

Si Carmina naman ay umupo sa may katabing upuan ni Cha.

Sakto naman na pagkaupo ni Carmina ay biglang  sabay na nagtilian ang mga babae sa loob ng cafeteria, kaya naman sabay sabay kaming napatingin sa kung anong pinagkakaguluhan nila.

Agad naman naningkit ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa cafeteria. Kumakaway kaway pa ito at nagflflying kiss sa mga babae na lalong nagpaingay sa loob ng cafeteria.

"Yang bwisit na yan!" sabi ko na napatingin sakin si Cha.

May kasama syang dalawang lalaki. Ang lalaking nasa kanan nya ay may headset na suot, may eye liner din ito sa ilalim ng mata at may suot na bonet, Mukha itong rockstar at suplado. Ang lalaking nasa kaliwa naman nya ay maysuot na Rayban shades na nakalagay sa itaas ng ulo nya at may nguya nguyang chewing gum. Malikot ang mga mata nito na parang nakatitig sa mga babaeng maiikli ang palda.

"Gosh! Totoo nga! O.M.G! Baka panaginip to!" Nakatulalang sinusundan ng tingin ni Cyrene ang mga lalaking yun na papunta sa may counter.

"Di ka na nanaginip. Sya! Sya si Fafa JM!!" Sagot ni Niña

"Kyeeeaaaaaahhhh..."

Napailing na lang ako at napatakip ng tenga dahil ang ingay na talaga, idagdag mo pa ang dalwang babaeng kaharap ko na ang iingay din. Napatingin naman ako kay Carmina na nakasunod ang tingin sa tatlo lalaking dumating din. Tila manghang-mangha rin ata sya sa tatlong yun.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon