Chapter 31

157 0 0
                                    

Chapter 31:

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa pagkaiyak. Masyado na kong nagiging O.A sa mga nangyari. Masama ba kung nagsasaktan ako ngayon dahil sa nangyari ngayon? I'm that selfish kung mas una pa nyang intindihin sya kaysa sakin?

May naramdaman akong tapik sa may balikat ko mula sa pagkamuni-muni ko. Tumabi ito sa katabing upuan ko. Tumingin ako rito at binigyan sya ng isang ngiti.

"Inaantok ka na ba, hija?" bugad na tanong nito sakin.

Umiling lang naman ako. Tiningnan ko ang nakalagay na relo sa kaliwa kong braso. Mag aalas-dyes na pala ng gabi.

"Im sorry, hija" hinawakan nya ang kamay ko na syang nakapatong sa may lap ko.

"Pasensya ka na kung nasira ko ang date nyo ni JM. Kailangan lang talaga sya ng anak ko."

Hindi ako makasagot sa sinabi nito sakin. Sya pala ang kausap kanina ni JM at sya rin ang ina ni Ate Khatelyn.

"Inulit na naman nya ang pagabuso nya sa katawan nya. Pangalwang beses na namin syang sinugod sa ospital dahil nakita namin syang walang malay sa may kusina namin" Nagpakawala ng buntong-hininga ito "Nang magkamalay na sya ay nandito na kami sa may ospital at pilit na hinahanap si JM. Di ko alam ang gagawin ko, halos maghesterikal na 'to. Hindi ko na naiintindihan ang anak ko"

Hinawakan ko ang kamay nito na syang nakahawak sa isa ko pang kamay. Nababasa ko sa mata ng ina ni ate khatelyn na wala itong alam mula sa nakaraan nila ni Joseph. Nasasaktan ako habang nakikita ko at naririnig ang bawat sigaw nya at pagmamakaawa kay Joseph para lang bumalik ito sa kanya, at nasasaktan din ako dahil sa mga binitawang salita ni Joseph mula rito.

Bumagsak ang isang luha mula sa aking kaliwang mata at pinahin ko agad ito.

"Umiiyak ka ba hija?" nagaalalang tanong nito.

Umiling na lang ako at binigyan ito ng isang ngiti.

May biglang lumapit naman saming isang lalaki sa harap namin kaya napatingala kami sa kanya.

"Hijo" sabi ng ginang at tumayo sa kinauupuan nya.

"Okay na po sya, tita. Nakatulong na po sya" sabi ni Joseph at umupo sa tabi ko.

"Salamat, hijo. Alam ko naman ikaw lang makatulong sa kanya. Halos magwala na sya kanina dahil gusto nyang umalis ng ospital para hanapin ka, Meron bang hindi ko alam sa inyo? Ano ka ba ng anak ko?"

Napatingin ako kay Joseph. Ano nga ba sya para sa kanya at ano nga ba sya para sakin? Sakin? Ngayon ang alam ko ay nahulog na ko sa kanya at hinayaan ko na ang sarili kong mahalin sya. Ngayon pang hinayaan ko na ang sarili ko sa kanya, pwede bang wag nya kong iwan, pwede bang panindigan nya ang mga salitang sa una pa lang ay pinipilit nyang ipaunawa sakin at paniwalaan?

"Kaibigan. Matalik na kaibigan"

'yan ang mga salitang narinig ko mula sa kanya. na syang napangiti sa mga labi ko. Bakit ba simula ng makilala ko sya hindi ko na alam kung ano ba talaga ang emosyon nararamdaman ko. Kanina lang napakasaya ko, naging malungkot ulit at ngayon nandito ulit sya sa tabi ko ay binigyan saya nya ulit ang mga ngiti ko.

"Maraming salamat at nandyan ka lagi sa anak ko" sabi ng ginang at tinanguan kami, senyas na papasok na ito sa kwarto ng anak.

Napatingin ako kay Joseph at binigyan to ng isang malaking ngiti. Nginitian din ako nito, at sandali lang ay nawala rin.

"Im sorry. Di na tapos ang date natin" nahihiyang sabi nito at napapakamot ng ulo.

"Okay lang" sabi ko rito. Kahit sa loob ko ay hindi ito okay dahil sa iisang babae.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon