Chapter 28

183 4 2
                                    

Chapter 28:

"Anak, bumaba ka na dyan sa kwarto mo. Nandito na si JM"

Isang malakas na kalambog ng dibdib ko ang naramdaman ko pag kasabing pagkasabi pa lang ni Mommy ng pangalang yun.

Nandito pa rin ako sa kwarto ko, di ko inaasahan na susunduin pala nya ko. Sa kabila ng masaklap na pambabasted ko sa kanya nong sabado.

Nakatingin lang ako sa may salamin ko.

Ayos naman ang buhok ko, malinis at maayos naman ang suot kong uniporme, wala naman akong dumi sa mukha at walang ano mang dumi ang sapatos ko. Pero pakiramdam ko, kailangan ko pang mag-ayos.

Kinuha ko sa may kama ko ang bag ko at ang regalong binili ko kahapon sa mall.

Kinakabahan ako. Naku, Ano ba to?

Nagmadali na lang akong lumabas ng kwarto ko at umarteng parang walang kakaibang nangyari nitong mga ilang araw.

Nagpaalam na ko sa mommy ko, si daddy at Donna naman ay kanina pa wala sa bahay.

Paglabas ko ng bahay namin ay nakaramdam ako ng kaba na naman sa dibdib ko. Alam ko naman nandito sya pero nagulat pa rin ako ng makita ko syang nakatayo sa may harapan ko.

"aah.."

"Good Morning!" Bati nito sakin at agad na binuksan ang pinto ng kotse nya at pumasok sa loob.

Napakamot ako ng ulo. Si Joseph ay si Joseph. Hindi na magbabago yun at isa sa ugali nya ang hindi pagbuksan ng pintuan ng kotse ang babae, bilang pagka-gentleman. Bow.

Pumasok na ko sa may sasakyan nya.

Okay, ang awkward lang.

Nagsimula na kong ilagay ang seat belt ko at pagkatapos nun ay nagsimula na nyang paandarin ang sasakyan.

Napapahawak ako ng mahigpit sa bag kong nasa lap ko at pati na rin sa paper bag na dala ko. Shems. Pano ko ibibigay sa kanya to?

Sinimulan ko syang tingnan habang nagmamaneho. Naka focus lang itong nakatingin sa daan. Napapatingin na naman po ako sa mga mata nya pababa sa matangos nyang ilong papunta sa maninipis nyang labi. Napakagwapo nga ng lalaking ito. Kaya ang daming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Nabigla naman ako ng bigla syang tumingin sa pwesto ko, na patingin tuloy ako ng deretso sa unahan ko. Naku! Nahuli nya ata akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya ako. Pinagpapawisan tuloy ako ng malamig sa kinauupuan ko.

"Joseph!" Pasigaw na sabi ko.

Ewan ko ba kung bakit ko sinigaw ang pangalan nya na halos mayanig na ataang loob ng kotse nya.

Napahinto naman bigla ang sasakyan nyasa biglaan kong pagsigaw. Buti na lang at nakaseat belt kami. Naku, nag head bang ako huh.

"Katabi mo lang ako, Joice" mahinahon na sabi nito.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Nakakainis naman, para akong tangang sumigaw.

"Oh" sabi ko rito habang binibigay ang regalo ko sa kanya, nanatili pa rin akong nakatingin sa may unahan ko.

"Ano to?" tanong nya.

"Wag ka ng magtanong at abutin mo na lang, nangangalay na ko" dahilan ko rito. Kinuha nya naman ito.

"Be- Be- Belated Happy Birthday" bati ko rito. Napapakagat naman ako ng labi sa ginagawa. Nakakakaba tong ginagawa ko kahit na binabati ko lang sya.

"Hahahahaaa"

Bakit sya tumatawa?

"Hahahahah..."

Napatingin naman ako sa kanya na tumatawa habang tinitingnan yung regalo ko sa kanyang t-shirt na puti na may nakadrawing na monster.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon