Chapter 19

243 2 2
                                    

Chapter 19:

Bakit ba sya ganun?

Para naman kasing ewan.

Napaupo ako sa pagkakahiga ko sa kama ko.

Kanina ko pa iniisip ang lalaking yun

Seryoso ba sya sa mga pinagsasabi nya?

Humiga ulit ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.

Kung seryoso sya, pwes ako hindi. Hinding hindi ako mahuhulog sa mga kalokohan nya!

Bumaling naman ako sa may kanan ko at nakaharap sa may balkonahe. Naalala ko yung panaginip kong inakyat nya ko sa kwarto ko. Kakakilabot.

Di ko alam pero naisipan kong bumaba sa kama ko at pumunta sa may balkonahe. Binuksan ko ang pintuan at isang malamig na simoy ng amihan ang dumampi sakin.

Lumabas ako at pumunta sa balkonahe.

'Pano kung magkatotoo yung panaginip kong yun?'

Napailing naman ako sa naiisip ko.

*I've never seen a diamond in the flesh

I cut my teeth on wedding rings in the movies*

Phone ko yung nagriring.

*And I'm not proud of my address,

In a torn-up town, no postcode envy*

Kinuha ko naman sa may loob ang phone ko at sinagot.

Unregistered number?

Sasagutin ko ba o hindi?

Masagot na nga.

"Hello?" bungad ko sa tumawag.

(Hi?) Sagot nito na di pa sigurado sa sinasabi nya.

"Sino to?"

(Youre lover boy)

Lovelabin ko mukha nito.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo at ayaw mong sumagot ng matino. Bababa ko na to"

(Hey! Si JM to)

Sinong JM?

"JM who?"

(Ang gwapong si Joseph Marco Mechavez)

"Aah.. Okay. Bye!" sabi ko rito pero di ko pa nababa ay nagsalita ito ulit.

(Wait)

"Oh bakit?" tanong ko rito.

(Pwede bang makausap muna kita kahit sandali?)

Naramdaman ko namang seryoso ang boses nito. Bumalik naman ako sa may balkonahe.

"Ano naman yun?"

(Pwede bang wag mong bababa yung tawag ko? Sandali lang to. May kukunin lang ako)

"So, pinaghihintay mo ko?"

(Wait lang. Promise! Teka lang) sabi nito.

Mga isang minuto ay may narinig na ko sa may kabilang linya.

Isang tunog ng gitara ang narinig ko sa kabilang linya.

"I wanna make you smile whenever youre sad, caring you around when youre arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you

Napapangiti ako. Sya ba tong kumakanta? Ang lamig talaga ng boses nito.

"I'll get your medicine when your tummy aches, Build you a fire if the furnace breaks, it could be so nice, growing old with you"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon