Chapter 33

146 0 0
                                    

Chapter 33:

"Eto na talaga"

Unti-unti kong binuksan ang nakatiklop na papel kung san nakasulat ang resulta kung nakapasa ba ko sa practicum ko sa ibang bansa. Nanginginig pa ko havang hawak ko to, sana talaga makapasa ako. Pangarap ko rin naman makapag OJT sa ibang bansa, experience na rin.

"Ang bagal naman, Joice" reklamo ni Cyrene.

Huminga ako ng malalim. Sya na lang kaya magbuka, mas excited pa sya kaysa sakin. at binuksan ko ng biglaan ang papel.

"Oh ano na, Joice? Anong result?" di makapagintay na si Niña

Napatitig naman ako sa papel ko at paulit-ulit na binabasa ang nagalagay dun.

"Uy, ano na? Nakapasa ka ba o ano?" tanong sakin ulit ni Niña.

"WAAAAAHHHH!!!!!!"

Napasigaw ako ng napakalas, yung tipong gusto kong sumigaw hanggang mamaos ako.

"Nins.." tawag ko rito.

Seryosong nakatingin si Niña sakin. Ganun din sina Cha at Cyrene.

"Nakapasa ko!" Halos magwala ko rito sa may likod ng BA building sa kakasigaw, di ako makapaniwala. Nakaupo lang kami dito sa bench at buti na lang pala ay kami lang ang tao dito, kung hindu iisipin ng iba na nababaliw na ko.

"Seryoso?"

"Oo. Mukha ba kong nagbibiro?" sabi ko kay Niña na abot hanggang tenga ang ngiti.

Grabe, pinagsikapan ko talagang makapasa.

"Libre na yan!" sigaw ni Cyrene.

"Sure! Kahit san nyo gusto!" di talaga ako makapaniwala

Kinuha naman sakin ni Cha ang papel na hawak ko at binasa.

"Singapore? Sa Borginia Company ka papasok? Joice, popular ang company nito sa buong mundo. Grabe, iba ka na talaga. Alam mo bang bihira nakakapasa dito dahil mataas ang hinihinging qualifications nila. Tinalo mo pa si Ate Khatelyn" sabi ni Cha.

Napatango naman ako sa sinabi nya.

"Grabe nga talaga Cha. Sobrang pangarap ko to. O.A ko noh, kahit alam kong Job training lang naman. Pero isa na rin itong hakbang patungo sa pangarap ko."

"Naks, friend. Sumusunod ka na sa Idol mong si Ate Khatelyn. " sabi sakin ni Cyrene.

Napabawas naman ang ngiti sa labi ko at nagtama ang tingin namin ni Niña. Di ko pa kasi naikwekwento sa iba kong kaibigan ang tungkol kayna Ate Khatelyn at Joseph. Mas mabuti na lang siguro kami na lang ni Nins ang may alam sa dating relasyon nila. Tsaka past is past. Ako na ngayon ang present.

"Idol mo talaga pinsan ko. Sana lang maging successfull ka rin. Alam ko, si ate khatelyn na agad ang papalit sa chairman of the board pagkagraduate nya. Ihahandle na nya ang company nila, i mean inihahanda na sya para sa CEO kung sakali, dahil tumatanda na si tito at sya lang naman ang kaisaisahang anak" sabi ni Cha.

"Aa.. Ah.. Oo. Galing naman nya." sagot ko kay Cha.

Nakakailang pala ngayong maging idol ang isang taong ex-gf ng bf mo. Gosh. parang dati lang ay hangang hanga ako sa kanya, hanga pa rin naman pero ngayon parang insecured na ata ako sa kanya.

Narinig ko namang nagring ang phone kong nasa may lamesa sa pagitan namin. Kinuha ko ito at tiningnan kung sinong tumatawag.

Lalong lumapad ang ngiting nasa labi ko ng makita ko kung sino ang tumatawag, si Joseph. Sinagot ko ito.

"Mahal" masiglang bati ko rito.

Nakatingin naman sakin ang mga mata ng kaibigan ko.

("Mahal, san ka?")

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon