Chapter 23

216 4 0
                                    

Chapter 23:

Di ko alam kung nanliligaw ba sya sakin o nandito lang sya para sirain ang mood ko sa araw-araw. Kung bibilangin ko ang araw na nanligaw sya sakin ay magdadalwang linggo na ito.

Oo inaamin ko minsan sweet sya kahit nakakasuka na. Pero di ko lang talaga malunok kung gaano sya ka arrogante sa lahat ng bagay.

Sinusundo nya rin ko araw-araw na dala yung motor nya. Kada kasi ang uniform na suot namin ay fitted na palda, ay motor nya ang pinagsusundo nya sakin, di ba? Nangaasar ba sya o ano?

Nagkakataon lang daw na sira yung kotse nya  ng ganung araw.

What an excuse?

Pero dahil nga ang lakas ng hatak nya kay dad ay napapayag nya kong sumakay sa motor nya kahit ang kapalit pa nito ay ang buhay ko.

Well, minsan naman ay ayos sya magpatakbo ng motor pero bigla na lang bibilisan.

Sabay din kaming umuwi at hinahatid nya ko sa bahay namin. Sa laging pagsakay ko sa motor nya ay nasanay na rin akong sumakay dito.

Nagpaiba na rin pala ako ng schedule na syang subject ni Ralph. Buti na lang, ang aking manliligaw ay syang may-ari ng school kaya pinagbigyan ako kahit mag sesemi finals na kami. Di ko tuloy kaklase sa isang subject ang tatlo kong kaibigan. Ang kulit nga ni Joseph dahil tinatanong nya ko kung bakit ako magpapareschedule. Sinabi ko na lang na tinatamad ako magising ng umaga.

Tuwing mapapadaan lang ako sa may hallway ay may bulongbulungan na naman na di mo alam kung bulong ba talaga dahil naririnig ko naman. Di ko na lang to pinapansin. Ang babait pag kasama ko si Joseph tas pag ako lang mag-isa ganun na lang?

Bakit hindi na lang nila pakialam ang sariling buhay nila, kaysa pagchismisan kung anong meron kami ni Joseph?

Hindi ko rin kayang hindi isipin kung okay na ba si Joseph at Ate Khatelyn.

Masyadongg mabilis. Pagkatapos ng hiwalay nila, ako naman ang pinagtuunan ng JM na yon. Kahit na pinayagan ko syang manligaw. Hindi pa rin ako naniniwala sa kanya, hindi ko pa naibibigay ang tiwala ko.

Pagkakaalam ko rin ay magkasing-edad si Ate Khatelyn at Joseph. KaLevel ko lang ngayon si Joseph dahil nga nagstop ito sa pag-aaral dati.

Pwede ko kayang tawagin si Joseph na Kuya Joseph? Hmmm... Pede! Pang-asar ko sa kanya.

Napansin kong nasa may parking lot na pala ako ng school.

Well, nagiintay na sakin ang aking manliligaw.

Hindi kami sabay lumabas ng room dahil iba na ang last subject ko, dahil sa subject ni Ralph ang huli subject ko. At bali nagiintay pa ng isang oras si Joseph bago sya umuwi.

Hinahanap ko ang motor na nakapark sa lagi nyang pinapark-an pero wala ito.

Nilibot ko ang mata ko at nakita ko itong nakasandal sa kotse nya na nakapamulsa ang dalwang kamay.Himala, fitted yung skirt ko ngayon oh.

Lalapitan ko na sana sya, pero may dumating na isang babae.

Napatitig si Joseph sa dumating.

Sino bang hindi? Si Ate Khatelyn lang naman ito. Di ba?

---

Joseph's POV:

Nakasandal lang ako sa may kotse ko at hinihintay si Joice.

Hindi ko rin inaasahan ang tumambad sa harap ko. Tiningnan ko lang ito.

Pumayat ito ngayon at mukhang pagod na pagod ang mga mata nito. May dalwa rin itong eyebugs sa ilalim ng mata

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon