Chapter 13:

260 3 0
                                    

Chapter 13:

Khatelyn's Pov:

Papunta kami ngayon ni Kamille sa Cafeteria, Nang malapit na kami ay nakasalubong  naman namin ang pinsan kong si Cha.

"Ate khatelyn" tawag nito.

Kasama rin nito ang dalwang kaibigan nya.

"Hi! Ate khatelyn" bati sakin nila.

"Hello!" bati ko sa kanila.

"May klase ka pa pala." sabi ni Cha.

"Aah. Oo. 6 units na lang naman. Gragraduate na rin ang pinsan mo" at ikakasal na rin.

"Osige cous' una na kami" paalam ni cha at tinaas pa ang text book na hawak. Nag wave naman sakin ang dalwang kaibigan nito.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng caf at binuksan ito ni Kamille.

Sa pagbukas nito ng pinto ay bumungat sakin ang taong labis kong nasaktan.

Nagkatitigan kami saglit at ako ang bumawi. Napansin ko naman na nakatingin samin ang mga mata ng mga estudyante.

Inosente- yan ang pagkakahambing ko sa kanila. Wala silang alam sa relasyon namamagitan samin at sa problemang Kinahaharapan namin. Ang tanging alam nila ay magkasama kami sa trabaho.

Binigyan ko ng isang ngiti si Marco, kahit alam kong nakakailang ito sa sitwasyon namin.

"Ehem.." naagaw parehas ang attention namin ng may umubo sa tabi ni Marco. May kasama pala ito, hindi ko man lang napansin.

"Hi ate khatelyn"" bati nito sakin.

Namumukhaan ko ito. Kaibigan ata to ni Cha.

"Hello" bati ko sa kanya.

"Let's go" malamig na sabi ni Marco at nakita ko itong hinawakan ang babaeng kausap ko at kinaladkad paalis ng cafeteria.

---

Joice's Pov:

Aray! Aray! Aray!

Hatak lang naman ako ni Joseph palabas ng cafeteria. Sobrang higpit ng hawak nya sa braso ko.

Ganun pa rin ba syang kabitter kay ate khatelyn?

Sino bang hindi? Pero sana wag nya sakin ibuhos.

"Joseph"

Tawag ko sa kanya pero hawak pa rin nya ko.

"Joseph" tawag ko ulit sa kanya, pero tuloy tuloy pa rin sya

"Joseph! Aa-aray!" di ko na napigilan ang sarili ko. Napasambit na ko ng aray na kanina ko pa tinitiis.

Huminto naman ito at tiningnan ako at binitawan ang braso ko.

Agad kong hinimas ang braso kong nasaktan. Sobrang pula nito.

"J-joice" sambit nito.

Tiningnan ko sya ng nakakairita at naglakad ng mabilis palayo sa kanya.

"Joice!" tawag nito sakin, mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

Hinarangan naman ni Joseph ang daan sa harap ko.

"Joice.. Ano bang problema?" sabi nito

"Wow! Joseph! Anong problema? Tss" sabi ko rito at tinabig sya sa dadaanan ko

Hawak-hawak ko ang braso kong masakit pa rin, hanggang ngayon.

"Joice.. Sorry" nagulat ako ng magsalita sya sa likod ko.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon