Chapter 22

224 2 0
                                    

Chapter 22:

Nakarating kami ng ligtas sa lugar na pinagdalhan sakin ni Joseph.

Hindi ko alam kung saang lugar ba kami nandito. Malayo-layo rin ang binyahe namin.

Bumaba ako sa may motor nya at tinanggal ko ang helmet ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Tila nasa itaas kami ng bundok. May ilang mga puno at ang lapag na inaapakan namin ay mga damo-damo. Ang lakas ng hangin, mabuti na lang ay fitted ang palda ko ngayon. Matatanaw din dito ang mga bulubundukin at parang mahahawakan mo na ang ulap sa pwesto namin ngayon.

"Joice!" narinig kong tinawag ako ni Joseph. Kaya napalingon ako rito.

Nakita ko syang nakaupo sa isang latag na mismo sya ang gumawa at may mga ilang pagkain ang nakahanda.

Dala ba namin yan kanina? Di ko naman iyon napansin.

Pano naman yun magkakasya sa motor?

Lumapit na ko sa kanya at naupo sa harap nya.

"Kain ka na" sabi nito at inihayag sakin ang putaheng adobo, menudo at hamunado.

"Ang dami namang ulam" sabi ko rito.

Nilalagyan nya na ng kanin ang plato ko.

"Ako nagluto nyan" sabi nito.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Iba kasi yung pagkakasabi nya, yung tipong walang yabang na tono.

Pagkatapos nya kong lagyan ng kanin ay agad akong kumuha ng adobong manok na sya raw ang nagluto.

Sumubo ako ng isa.

Hmmm.....

"Masarap ba?" tanong nito.

Nginunguya ko pa rin yung pagkain at sya naman ay iniintay ang sagot ko.

Nilunok ko ang pagkain at kinuha ang isang boteng tubig sa tabi ko.

Nakita ko namang parang kinakabahan si Joseph sa sagot ko.

Para namang first time nyang magluto.

"Ang sarap, Joseph" sabi ko rito at nag thumbs up.

Nakita ko naman syang ngumiti at kumain na kami ng sabay ng walang nagiimikan.

--

"Joseph, 2:30 na! Naku, absent na tayo sa isang subject. Tara na, may isa pa tayong subject" sabi ko rito at nagmamadaling tumayo.

Kanina pa pala kami kumakain na dalwa. Medyo malayo pa naman ang lugar na ito mula sa school.

Ang sarap naman kasing magluto ng lalaking ito, dinaig pa ko.

"Joice" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Kamay ko. Palad ko. Ang mga daliri ko.

Bakit bigla akong nakaramdam ng kuryente?

"Relax" sabi nito.

*dugdugdug*

Pano ko magrerelax, kung ganito yung nararamdaman ko.

Bakit ba ko kinakabahan sa kanya bigla-bigla?

Nakita kong tumayo na sya sa pagkakaupo.

"Kung pupunta pa tayo ng school para habulin ang subject natin ay late na rin tayo" sabi nito.

"Okay lang yun. Atleast nakapasok tayo" sabi ko rito.

Sorry naman po kung masyado akong maalaga sa pag-aaral ko.

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon