Chapter 36

129 0 0
                                    

Chapter 36:

Nakahawak lang si Ate Khatelyn sa may balikat ko ng marining nya ang ringtone ng cellphone nya. Napatingin naman kaming dalwa sa pwesto kung saang naggagaling ang tunog, sa loob ng kotse kung saan naiwanan palang bukas ni Ate Khatelyn ang pinto.

Iniwan muna ako ni Ate Khatelyn sa pwesto ko at sinagot ang tawag sa phone nya. Mukhang importanterin ito, dahil lumayo pa ito ng bahagya samin bago sagutin. Naramdaman ko naman ang presensya ni Ralph na syang papalapit sa akin.

Hindi pa ko nagsasalita ay naramdaman kong niyakap nya ko, na syang kinagulat ko. Nanuot ang awa ko sa sarili at pagkainis kay Joseph.

"Anong problema, Joice?" Tanong nya.

Pilit ko namang inaalis ang yakap nya, dahil baka makita kami ni Ate Khatelyn sa ganung sitwasyon at kung ano pa ang isipin sakin.

"Wala."

"Kilala kita, Joice. Bakit ka nandito sa may highway ng gantong oras? Tumawag kanina si JM kay Khate na hindi matutuloy ang date dahil may iba raw kayong pupuntuhan"

Tuluyan naman naghiwalay ang yakap nya sakin at tiningnan ko sya sa mata.

"Tumawag?"

Tumango naman si Ralph at nagsalita "Balak nga naming ituloy ni Khate ang date namin kahit wala kayo, pero tinawag si Khate ng manager nya at may biglaaang photoshoot daw sya"

"Joice, okay ka na ba?"

Napalingon kami kay Ate Khatelyn na syang nasa may gilid na namin.

"Ano bang nangyari at nandito ka sa may highway?" nagaalalang tanong ni Ate Khatelyn.

"Mabuti pa, ladies. Pumasok na muna tayo sa kotse at don mo iexplain ang lahat, Joice" sabi ni Ralph.

Nagkatinginan naman kami ni Ate Khatelyn at pumasok sa loob ng kotse ni Ralph.

"San tayo pupunta?" tanog ko sa kanila. Sa may passenger seat ako umupo at nasa shotgun seat naman si Ate Khatelyn.

"Sa house ko. May ififix lang akong things para sa photoshoot, pero hindi ibig sabihin nito na hindi mo iexplain kung bakit ka nandon. Ang pagkakaalam ko, youre with Marco"

Napayuko naman ako sa sinabi ni Ate Khatelyn.

"Joice, may problema ba sa inyo?"

Naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko na syang nakapatong sa lap ko. Tiningnan ko naman sya.

"H'wag mong sabihing nag-away kayo?" medyo mataas na boses  ni Ate Khatelyn. Nakita ko naman si Ralph na syang nagmamaneho na bahagyang napasilip sakin sa may front mirror.

Nice, may mas mukha pang mas concern sakin ang dati kong bf kaysa sa bf ko ngayon na walang pakialam sakin, kug may masama bang mangayari sakin nung iwan nya ko don.

"That bullshit! Marco! Wala talaga syang pinagbago! He is a big asshole! Ugali nya ang magiiwan ng babae kapag galit sya!"

Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw ni Ate Khatelyn sa loob ng kotse.

"Humanda talaga sakin ang lalaking yon. Tapos magsosorry sya sayo because he left you. Naku! Iyan, iyan, iyan. 'yan ang ex ko Hubby" tapos na patingin naman sya kay Ralph.

Wait, hubby?

"Hubby?" mahina lang yung pagkakasalita ko pero nakita kong narinig nya ito.

"Yeah" nakangiti nyang sabi sakin. "Ralph, si Joice, Joice, si Ralph. Remember, yung mga sinabi ko sayo. Sa university natin sya nagtuturo"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon