Chapter 16

259 4 5
                                    

Chapter 16:

"Joice, sabihin mo sakin. Bakit ka umiiyak?" bungad na tanong sakin ni Carmina.

Humiwalay sya sa pagkakayakap ko at hinawakan ang dalwang kamay ko habang tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"*hik* ka-kasi--"

Nablablangko ang isipan ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari kanina. Masyado na kong pagod sa kakaiyak para ikwento ito ngayon.

Umiiling-iling naman ako at naglakad palayo sa kanya.

"Joice!" tawag nito.

"Carmina, hayaan mo muna kong makapagisa" sabi ko rito na hindi sya nililingon.

Nag'okay sign' naman ako sa kanya.

Naglakad ako sa loob ng campus ng nakayuko at halos lahat ng mga estudyanteng nakakakita sakin ay napapatingin. Hanggang sa paglalakad ko ay napunta ako sa may field ng school.

Naupo ako sa may ilalim ng puno dun sa may tabi.

Tila nakikisabay sakin ang oras dahil walang mga estudyante sa paligid.

Sa pagkaka-upo ko sa ilalim ng puno ay isinandal ko ang likod ko at tumingala sa langit tsaka pumikit.

Bakit ganun? Bakit ganun sya?

A-yo-ko na. Pagod na ko.

Muli na namang tumulo ang luha ko mula sa aking mga mata.

Napapagod na ko, yung puso ko at ang sakit na ng mga mata ko. pero ayaw pa rin tumigil ng luha ko sa pagpatak.

Napamulat naman ako ng may biglang may nagpunas ng mga luha kong iyon sa aking pisnge.

"Dati rati lang ako yung nakita mong umiiyak. Ngayon, ikaw naman"

Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa bigla nyang pagsulpot.

Di ko rin alam kung bakit humagulgol ako ng iyak. Pakiramdam ko kasi pag may dumadamay o may nakakakita sakin na umiiyak ay naawa ko sa sarili ko.

"Pwede bang.. Iwanan mo na ko" nanghihina kong sabi.

"Hwag ka ngang umiyak" muli nyang pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata.

"Kayo kasing mga lalaki. Pasakit sa damdamin ng mga babae" panunumbat ko rito

Umupo ito sa may tapat ko.

"Bakit? Kayo bang mga babae hindi pasakit sa mga kalalakihan?" sabi nito

Napayuko naman ako. Tama sya!

"Uy, wag ka nga dyang umiyak" sabi nito at binato sakin yung panyo nya.

Nagreact naman ako sa ginawa nya at hinarap sya. Umiiyak na nga yung tao ganto pa yung pakitungo nya.

"Kahit saang parte talaga lagi mo kong binubully" sabi ko rito.

At pinunasan ng kamay ko ang ilang luha na natuyo sa pisnge ko.

"Kailan pa kita binully?" inosenteng tanong nito

"Simula ng dumating ka sa buhay ko" bulyaw ko rito

"Oh really?" nakakapanglokong sabi nito.

Bigla na naman ako nairita sa lalaking ito.

Kanina lang ay umiiyak ako at nagdradrama, ngayon naman ay naiinis sa lalaking to.

"Yakapin mo naman ako. Kita mong umiiyak ako nung dumating ka" pagmamakaawa ko rito

"Sabi na nga ba may pag na-"

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon