Chapter 21

211 2 0
                                    

Chapter 21:

Naglalakad ako papuntang classroom ko na hawak ang kaliwang braso ko, kung saan nakasuot ang bracelet nabinigay ni Joseph.

"Bebest Joice!"

Napalingon ako sa may likod ko ng tawagin ako ni Niña.

Nakita ko itong patakbong pumunta sakin.

"Sabay na tayo" sabi nito at sinabayan akong maglakad

Naglakad lang kami ng hindi nagkikibuan.

"Good Morning!" bati niya kay Cyrene ng makapasok na kami sa classroom.

"Asan si Cha?" tanong ko naman.

Naupo na ko sa armchair ko at pinatong sa desk ko ang bag ko.

"New bracelet?" tanong ni Cyrene at hinila pa niya ang kamay ko para tingnan.

"Ang cute. Blue bracelet na may chain na pusa with letter J" namamanghang sabi ni Cyrene.

"Patingin nga" sabi naman ni Niña at kinuha kay Cyrene ang kamay ko.

Pakiramdam ko mababalian ako ng buto sa braso sa dalwang ito.

"Ang cute nga, maganda sana kung Hello Kitty" sabi ni Niña

"Puro na lang kayo Hello Kitty ni Joice" sabi naman ni Cyrene.

"Bakit ba? Ang cute kaya ni Hello Kitty" sabi ni Niña at nagpout pa.

Kinuha ko naman sa kanila ang kamay ko.

"Tama na nga kayong dalwa. Baka mag-away na naman kayong magpinsan. Bigay lang sakin to" sabi ko naman sa kanilang dalwa.

"Bigay nino?"

Napalingon naman kaming tatlo ng may biglang nagsalita maliban samin.

"Hay naku! Cha, Bigla-bigla na lang tong nagsasalita" sabi ni Cyrene na nakahawak pa sa dibdib.

Nginitian lang to ni Cha at naupo na sa pwesto nya.

"Si Ma'am Lopez ang prof natin di ba?" tanong nito.

"Yah!" sagot ni Niña

"So.. Sino nagbigay nyan sayo?" Pagbabalik topic ni Cyrene.

"Teka, ano ba yang pinaguusapan ninyo? Narinig ko lang kanina yung sinabi ni Joice" sabi naman ni Cha

"Ayan kasi, sasabat-sabat di naman pala alam ang pinaguusapan" sabi ni Niña

"Ang cute kasi ng bracelet ni Joice" sabi ni Cyrene

"So, yun lang? As if namang manliligaw ni Joice ang nagbigay" sabi ni Cha at nilabas sa bag nya ang ipod mini nya.

Nakita ko naman si Niña at Cyrene na nagkatingin at biglang napangiti.

Naku, hindi magandang pangitain ito.

"Alululu... After so many years.. Joice, may manliligaw ka na?" nabigla naman ako sa tanong ni Niña

"OMG! Meron din palang magkakamali sayo, bukod sa kanya. Hahaha" Sabi naman ni Cyrene.

Medyo hard. =_=

Panget ba ko? para ngayon lang ulit nagkaron ng manliligaw.

Tiningnan ko naman si Cha, may sariling mundo na naman ito. Nakasalpak ang earphones nya sa tenga nya.

"So, ano na Joice? May nanliligaw ba sayo?" tanong ni Niña na hindi makapag-antay ng sagot.

Sasabihin ko ba sa kanila? Sasabihin ko bang nililigawan ako ngayon ni Joseph?

Never Fall Inlove To Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon