Chapter Eleven Page One

495 10 0
                                    

{Nadine's POV}

Well? I’m waiting.



Dito na kayo matulog, ma. Ipapa-prepare ko kay manang yung guest room.




Naiwas ka.




Ma…




Hindi na. Susunduin kami ni Papa mo mamaya. Ano? Sasabihin mo ba sakin o si James ang kakausapin ko?





Gusto po kasi ni Reese magkakatabi kami matulog eh.



Kailan pa yan?




No’ng after po ng Batangas.






No’n lang? Doubt lacing her voice.





Well… before that po. May isang instance na sa kwarto din namin sya natulog.




Ano na ba ang status nyo? Kayo na ba ulit?









Syempre hindi po, ‘my. Co-parents lang po kami kay Reese.





Eh bakit ganyan? Alam ni Paulo?






Syempre sinabi ko po.




Eh yung girlfriend nya, si Nath?






Hindi ko po alam kung ano’ng napag-usapan nila, ‘my.




Ano’ng reaksyon ni Paulo?







Naintindihan nya naman daw po. Syempre no’ng naghiwalay naman sila ni LJ ganun din naman si Aki nong una. Eh samin po kasi, ngayon pa lang nakilala ni Reese ang daddy nya. Ngayon lang sila nagkakasama. Si Pau din naman po ang nagsabi, alam nya yung feeling ng hindi nakakasama ang anak. Initially naman po kasi hindi nya nakakasama ng madalas si Aki. Si Paolo yung naging father figure kay Aki. Ayaw din ni Pau na maexperience ni James yun. Syempre ano man po gawin naming hindi magbabago yung si James ang tatay ng anak ko ‘ma.











Paano pag nasanay ang bata?





I don’t have an answer to that.








Anak, mahal ko kayo ni James. Gusto ko maayos nyo ‘to. Syempre sino ba naman ang gusto ng hiwalay na pamilya? Mas makakabuti kay Reese kung makokompleto kayo. Pero masyado nang maraming nangyari sa inyo. Ni hindi nyo pinag-uusapan yung mga nangyari dati. Biglang andito kayo ngayon sa sitwasyon na kailangan nyo palabasing nagkaayos kayo. Ang sa akin, kung meron pa kahit katiting na nararamdaman ka para sa asawa mo, baka kailangan mo pag-isipan muna lahat ng ‘to. Kung may maaayos pa, di ayusin. Pero kung wala na talaga. Aba, isipin nyo yung mga masasaktan nyo. Mabait si Paulo, anak. Si Nath hindi ko sya nakakausap pero napakilala na sya ni James sa’kin at nararamdaman ko na sincere din yung tao. Pero kung may mas maaapektuhan, ang anak nyo. Wag nyo sya sanayin sa setup na hindi naman magtatagal. Ang mga bata, adaptable yang mga yan, oo. Pero malaki ang nagiging epekto sa kanila ng heartbreak. And at the end, this will break his heart. Paano mo sya ipeprepare don?














I was quiet the entire time, mulling over what she said.







Mahal mo pa ba si James?





Book Two - It Should Have Been UsWhere stories live. Discover now