Prologue

1.1K 25 7
                                    

Prologue:

I was sixteen when I stopped dreaming.

Habang tumatanda ka kase may mga bagay ka na sa tingin mo hindi makakatulong sa 'yo.

Para bang sa paglipas ng mga araw, unti-unting kumukupas ang talento mo. Nawawalan ng spark or excitement kada taon na dumaraan. Mga pangarap na para bang unti-unting naglalaho. Iyong mga pangarap mo simula pagkabata ay napapalitan ng pangarap ng pagtanda.

Naiipit ka sa pagitan ng pagkagusto at pangangailangan. Nasa gitna ka ng pangarap at realidad.

Madami kaseng hahadlang sa 'yo para 'di mo ito makamit. Mga pagsubok na kailangan mo talagang magsakripisyo para lang maisalba ang isang bagay para patuloy na mabuhay.

That's how unfair life is.

Hindi ka nito hahayaan na makuha lahat ng gusto mo. Madalas may kapalit ito na sadyang magkakaroon nang malaking impact sa buhay mo.

Kaya nga sana bata na lang tayo para less problem, candy-candy lang, laro-laro lang ta's kain tulog...

Kase pag bata ka kapag nangarap ka libre lang...totoo naman iyon. Kaso kapag tumanda ka na parang unti-unti ka nang nawawalan ng pangarap — iyong pangarap mo para sa sarili mo, kase nandon 'yung doubt na baka 'di mo 'yan matutupad dahil sa hirap ng buhay. Kaya madalas 'eto tayo kung ano na lang 'yung kaya, kung ano na lang iyong nandyan ayun na lang. Kung ano 'yong makakatulong sa pamilya mo na hindi sila mahihirapan ay doon tayo.

Nakokontento na tayo...sa tingin kase natin sapat na 'yon para mairaos ang isang araw para mabuhay. Kahit na hindi naman talaga. Kahit na sa tingin natin ay parang may kulang ay doon na lang tayo nakafocus sa mga bagay na puwede, na madali nating maabot kaysa sa mga pinapangarap natin na hanggang tingin na lang at bulong sa hangin. Kahit na iyon pa ang nais talaga nating abutin.

Parang nasa pagitan tayo ng bughaw na kalangitan at asul na karagatan. Nais natin maabot at malaman kung gaano kalambot ang ulap sa kaitaasan. O 'di kaya ay manatili na lamang sa pinong buhangin sa may dalampasigan at magtampisaw sa asul na tubig. At hayaan ang sarili na magpadala sa kung saan dadalhin ng mga alon.

Kaya sa tulad ko na maagang namulat sa buhay na pera ang nagpapatakbo sa lahat — ang kailangan para mabuhay ka at hindi ka mapapakain ng pangarap mo kung mangangarap ka lang at tutunganga lang.

And I thought it was the end of my dream until I met a guy. Oh, let's rephrase that.

Until a monster ruined my worse life.













***

THE GAME OF LIFE

This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, and events are fictitious or either based on the author's imagination. Any resemblance to actual events or real persons, living or dead, are purely coincidental.

All right reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, transmitted, displayed, copied, or stored in any forms or any means, without the prior written permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME! PUNISHABLE BY LAW!

This story contains a lot of typographical and grammatical error. The author is still learning. Please respect the author.

CONTENT WARNING!

Read at your own risk

This story may contain a strong languages, violence and scenes that can be triggering and disturbing to some readers.

Thankyou! Enjoy reading<3

The Game Of Life Where stories live. Discover now