78: Before the Rain

6.1K 177 42
                                    

Warning: SPG

He's gone.

Nakatitig lang si Sofia sa bangkay na nasa paanan niya. Hindi siya makagalaw, parang tumigil na ang puso niya sa pagtibok.

"Castor..."

Hindi niya alam kung paano iyon lumabas sa bibig. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit pero nanatili paring paralisado ang katawan niya.

"He's dead, my Sofia." Boses iyon ni Pollux. Nasa tabi na niya ito. Nakatingin din sa bangkay ng kakambal.

Nadidinig pa niya ang mabibilis na yabag sa di kalayuan. Ang paggalaw ng mga tauhan nila para kunin ang iba pang mga bangkay na nandoon.

Nakatakas na si Alejandro. Pinatakas ng traydor na si Pierre.

Dahan-dahan siyang napaluhod sa tabi ng bangkay ni Castor. Marahan niyang pinadaan ang kamay sa mga mata nitong bahagya pang nakamulat. Ipinikit niya iyon at hinaplos ang pisngi.

Cold. He's really gone.

"W-who did this to him, Pollux. Tell me. D-did that bastard prince killed him?" Nangingig ang boses niya sa galit.

They had plans. Unti-unti na nilang natutupad iyon. Makukuha na nila gusto nila. Magkakasama na sila sa wakas.

But then...

"Tell me please..."

Marahan niyang pinadaan ang kamay sa duguang dibdib nito. Sa puso ito tinamaan.

Silver bullet. Kitang-kita niya ang mga itim na linyang naiwan sa balat ng pinakamamahal niya.

"Hunter... a hunter did this to him,"

Kung sino man iyon magbabayad siya. Magbabayad sila. "Castor, my love..."

"Sofia, stand up. Tama na." Hinawakan ni Pollux ang braso niya at hinila siya papatayo. Halos buhatin na siya nito. Inilayo siya nang tuluyan sa bangkay ng kakambal nito at dinala sa isang bakanteng kwarto doon. Mabilis nitong isinara ang pinto

"Hindi na siya mabubuhay pa. Accept it."

"How could you say that!" marahas niya itong itinulak papalayo. "He's your brother!"

Napaupo nalang siya sa kama. Doon na bumuhos ang lahat. Hindi na niya napigilang humagulgol. "He's my life...my all...siya ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito! Now... he's.. now..."

Lumapit si Pollux sa kanya. Umupo sa ito sa tabi at niyakap siya nang mahigpit. Napasubsob siya sa dibdib nito.

"Hush, my lady. I'm still here."

"Help me Pollux. Help me," sambit niya dito. "Make them pay."

"I will, my love," sagot nito. Marahan itong kumalas sa kanya. "But let me..."

Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi niya ng mga daliri nito. Iniangat nito ang mukha niya. "Only if you let me."

"Pollux..." She knew what he wanted. She always knew.

"Let me fill his place, my Sofia. I can love you more than he could,"

Napatitig siya dito. His face same as her beloved. Parehong-pareho. It's just... those eyes. They were different.

Castor's blue eyes were soft. Kasing linaw ng langit sa mainit na umaga. But his, Pollux' eyes were deep like the depths of the ocean. Cold.

Maybe I could just..maybe...

Hindi na siya ang nagprotesta ng bumaba ang labi nito sa kanya. His lips were smooth. Tender. Warm.

Just like his.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now