26: Saved

8.2K 166 34
                                    

"K..kuya..."

Pinilit niyang gumapang papunta sa duguang kapatid. Damang-dama niya ang malamig na sahig dahil sa hubad na katawan. Hindi na siya halos makagalaw dahil sa 'ginawa' nila sa kanya.

Nanuyo na ang dugong tumulo sa mga binti niya. Napansin niya ring kulay asul na ang balat sa dalawang kamay. Hindi na niya ito maikilos.

"K-kuya gising."

"R-Rap-Rap."

Hirap na magsalita ang kapatid niya. Putok ang duguang labi nito. Namamaga ang dalawang mata na halos di na nito maimulat. Punong-puno ng pasa ang katawang nakagapos at nakahiga sa sahig.

Umalis na ang mga lalaking yon. Iniwan sila sa ganitong ayos.

Pero sigurado siya. Babalikan sila. Nadinig pa niya ang pag-uusap ng mga ito.

'Clean-up'

Alam niyang balikan sila para itago ang krimeng ginawa. Papatayin na sila.

"K-kuya... Bumangon ka na... Ba-bab babalik sila."

Pero maski siya ay di magawang makabangon. Gusto sana niyang kalasin na ang pagkakatali nito.

"S-sorry... S-sorry," mahina pero dinig niya ang kapatid niya.

"Ka-kasalanan ko to... Kasalanan ko... Nadamay ka pa..."

Nawalan na uli ito ng malay. Kahit anong yugyog niya, hindi niya magising.

Nadinig niyang ang tunog ng makina ng sasakyan. Napapikit nalang siya at napayuko.

Andito na.

Mamamatay na sila.

"Buhay pa pala." sabi ng lalaking pumasok. Mag-isa lang ito. Wala na ang mga kasama. Naamoy niya sa dala nitong container ng gasolina.

Kinapitan ng lalaki ang pisngi niya. Kitang kita niya ang markang nasa kamay nito. Lahat ng lalaking nanakit sa kanila may ganoong tattoo.

"Pwede ka pa." Sabi nito. Amoy na amoy niya ang mabahong hininga na nakatapat sa mukha niya. Inihagis siya nito sa sahig. Pinatalikod.

Ramdam niya ang magaspang na kamay nitong itinataas ang pwetan niya. Nadidinig niya ang kalansing ng belt nito.

Ito na naman. Hirap na hirap na siya. Tama na.

Ipinikit nalang niya uli ang mga mata at nanalangin na matapos na ang lahat.

Pero walang nangyari. Isang malakas kalabog lang ang narinig niya. Lumingon siya at nakita niya ang lalaking may tattoo sa kamay na nasa malayo. Nakabagsak na.

"B*stard!"

Hindi na niya nilingon kung saan nanggaling ang boses na yon. Naunahan na siya ng takot at pagkabigla. 

Lalaki. Sigurado siyang hindi ito isa sa kanila.

Pero pamilyar ang boses.

Maya-maya pa unti unti nang umaangat ang lalaking gagahasa sa kanya na parang may humahawak sa leeg nito hanggang hindi na nakasayad ang paa nito sa lupa. Pagtapos noon ay tumalsik na naman ito ng malakas. Sa pader. Kitang kita niya na nabasag ang bungo nito at nagkalat ang mga dugo at utak nito sa sahig.

Kasunod noon ang mga yabag. Papalapit na. Naramdaman pa niya ang isang mainit at makapal na tela na ipinatong sa kaniya. Agad niya itong kinuha at ibinalot sa katawan.

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now